kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by Noypi Boyz
Araw ng Linggo: Meeting place SM FAIRVIEW 10 AM, around 9:30AM umalis na ako ng bahay, busy sila nanay sa pagluluto noong nagpaalam ako, naka shorts lang ako at flip flops. Nagtext na si Arvin at MJ malapit na daw sila, wala pang sampung minuto narating ko na ang Mall, tinungo ko kaagad ang entrance, una kong nakita si Arvin na naktayo sa malapit sa poste, akma pa san itong magtago pero nakita ko na siya.” Ayan kasi di ka magkasya sa poste kaya madali kitang Makita” sabay tawa ng malakas habang papalapit sa kinaroroonan niya. Ang gwapo ni mokong sa suot nitong jeans na semi fitted ang cut, naka polo na red, lumabas ang kaputian niya sa kanyang suot. Sumunod na dumating si MJ gwapo din si kumag tingnan dahil sa kanyang buhok na parang pang anime, naka polo din ito, halos magkasunod naman dumating sila Moris at Rey na may dalang Paper bag. “ Mga tol, saan ang binyagan” pabiro kong sabi, napag-usapan pala ng mga kumag na magsusuot ng polo dahil nakakahiya daw sa nanay ko. Sabay abot sa akin ng paper bag ni Rey, sila pang 4 ay pumunta sa mall noong Saturday para bumuli ng gift kay nanay.
Sumakay kami ng tricycle papasok sa subdivision, si Arvin na ang nagbayad dahil walang barya si manong sa 100 na pera ko. sabi ko nalang babayaran ko siya mamaya, approved sign lang ginanti niya, agad ko silang pinpasok sa loob, pinakilala kay Nanay at Tatay silang 4 at sa mga kamag-anak din naming na naroon na. inabot ko kay Nanay ang regalo at nahiya pa si Nanay at nagpasalamat dito, sabay hingi ng paumanhin dahil sa maraming ginagawa, kaya pinaakyat ko nalang sila sa kwarto ko, kwentuhan ulit at walang kamatayang kmusthan. Tapos nagkayayaan na lumabas muna kami at ipapasyal ko sila sa loob ng subdivision. Pupunta kami sa CLUB HOUSE, may swimming pool doon at basketball court, mag mo-motor sana kami kaso di naman kami kasyang lima kaya nag tricycle nalang kami, nagdala ako ng bottled water at tuwalya, tsaka yung bola. Ilang minuto lang narating din namin ang CLUB HOUSE.
Pinaliwanag ko sa kanila na dapat doon ang venue ng birthday ni Nanay kaso nahuli kami ng pag pa reserve, dahil may nauna na sa amin na isang children’s party mamayang hapon. Tumango lang sila..” Ang ganda pala dito tol sa inyo, parang exclusive subdivision”, wika ni Rey, “di naman tol sapat lang” sagot ko na nahihiya. Napagod na kami kakaikot, kaya napag pasyahan naming na puntahan ang covered court, upang maglaro. Hinubad nila ang kanilang mga polo na suot at nagsimula na maglaro, 2 on 2 ang labanan kaya nanood nalang ako sa kanila habang naglalaro,
Around 11:00 AM may dumating narin mga tao sa Club House, mag aayos pala sila sa gaganaping party mamayang hapon. Nakita ko si Jenny ngumiti sabay kaway at lumapit na ito sa amin. Crush ko si Jenny na matagal na, mayaman sila malaki ang bahay nila, Attorney ang daddy niya at may business ang mommy niya, seaman ang 2 kapatid na lalaki, siya ang bunso, at ang panganay na kuya niya may asawa na, at yung baby nito ang mag bi-birthday mamaya. Invite niya ako na pumunta sa party, sabi ko nalang try ko, kasi birthday din ni Nanay at nariyan ang mga kaibigan ko. tumango lang siya sabay ngiti, nag sorry din siya sa akin dahil nga sila ang nauna sa Club House. Bakas naman sa mukha niya ang pag blush noong tinawag ko ang 4 na kumag para ipakilala sa kanila. Introduce ko, Jenny this is Arvin, MJ, Morris and Rey, guys this is Jenny, sabay tukso ni MJ,” so pare ito pala yung matagal mo ng crush ha?” namula mukha ko sa sinabi ni MJ ganun din si Jenny, lalong mamula ang pinkish niyang mukha. Sa F.E.U siya nag-aaral BS NURSING 3rd year. Sinulyapan ako ni Arvin na parang kumunot ang noo at nagsalubong nanaman ang mga kilay ni mokong. Baka napagod lang sa laro kanina.. bigla ko naisip.
Inutusan ko silang na mag shower at may dala naman akong tuwalya, may shampoo at sabon din ako diyan, kasi tuwing maliligo o manglalro kami, dito narin ako nag shower. Nag paunahan ang 3 sa CR ngunit nag-paiwan si Arvin, ayaw daw niya sumabay sa 3 makukulit daw kasi yun. Nagtawanan nalang kaming 3 pero hilaw at pilit ang tawa ni Arvin, humarap ako kay Jenny at nag-usisa baka kailangan nila ng tulong, yun pala talaga ang saadya n’ya ang manghingi ng tulong para sa pagkabit ng Tarpaulin, balloons,at mga pabitin. Sinabi ko nalang na hintayin matapos sila makaligo at susunod na kami. Nagpaalam narin si Jenny na babalik na sa kasamahan niya.
Humarap ako kay Arvin, sabay sabi” oh! Bakit parang biyernes santo yang mukha mo? Eh linggo na ngayon?” lalong sumimangot si mokong. Sabay sabi niya” tol, siya ba yung naikwento mo sa akin na crush mo sa lugar niyo?” tumango lang ako.. “ crush ko lang yun, tsaka di naman niya alam eh, dugtong ko” “pero tol, napansin k okay Jenny may gusto din siya sayo kasi nag blush siya kanina sa sinabi ni MJ” pahabol ni Arvin. “naku nahihiya lang yung tao kasi siya lang ang babae kanina dito.” Sagot ko naman.
Mag shower kana nga amoy asim kana oh, pagtataboy ko sa kanya, sabay amoy sa sarili niya,” di naman ahh!” sabay batok sa akin, naghabulan kami na parang mga bata at gusto ko din makaganti, pero nakarma din agad si mokong natisod siya at na out-balance namilipit sa sakit kasi nakatukod ang kanyang daliri, akala ko acting lang pero ang tagal niya makatayo kaya lumapit narin ako, napnsin ko ang daliri niya namumula at parang nasugatan. Agad-agad ko siyang pina-upo sa bench, tumulo na ang dugo sa kamay niya dahil pala iyon sa bubog. Medyo maliit lang ang sugat pero maraming dugo. Nakalabas narin ang 3 mula sa CR at nagtaka sa nangyari kay Arvin.
Inutusan ko si Morris na kuhain ang alcohol na nasa medicine cabinet na nasa CR tumakbo naman agad si Morris, bit-bit ang Alcohol at betadine, akma ko ng bubuhusan ng alcohol ng… bigla niyang ilayo ang kamay niya, ang mokong takot pala sa alcohol, “anak ng tinapa, kalaki ng kaha mo takot ka sa alcohol?”pabiro kong sabi, pero tumango lang siya na parang bata, nakita ko ang 3 umiiling-iling. “ pero tol, kailangan malinisan yan para maalis ang dugo at nalagyan ng betadine, para maampat ang pagdurogo. Pumikit ka lang lang at ako ang bahala, Si MJ ang nagbuhos ng Alcohol at hinawakan ko ang isang kamay niya. Napasigaw si Arvin sa bgilang buhos ni MJ, sabi ko sa umpisa lang yan tol, hanggang tuluyan ng nalinis at nilagyan ng betadine. Naampat na ang pagdugo at nag shower narin siya.
Binaggit ko sa 3 ungas na nagpapatulong ang mga girls sa pagkabit ng mga dekorasyon, ngiting nakakaloko naman ang 3 kumag at excited na pinuntahan ang Club house, ako naman ay sumunod narin at hindi ko na hinintay si Arvin. Pinakilala din kami ni Jenny sa mga kaibigan niyang babae at isang bading na si Toby. Taga subdivision din sila kaya lang sa ibang block nakatira. Binigay kay MJ ang martilyo at pako, sila Rey at Morris naman ay abala sa pagkakabit ng pabitin mamaya para sa paagaw ng mga bata. Si Jenny at Toby kinakabit ang tarpaulin ng.. biglang na out balance si Jenny sa upuan na pinapatungan nito, maagap akong kumilos at BLAAAGGG! Tunog ng upuan pero nasalo ko si Jenny na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa takot, pag-ikot ko, nasa harapan ko na pala si Arvin at kitang-kita niya na karga ko si Jenny. Ang sama ng tingin niya sa akin, parang kakain ng buhay. Ibinaba ko naman kaagad si Jenny at agad na inayos ang sarili, dumiretso si Arvin kay MJ at nag-alok ng maitutulong. Napagpasyahan na kami nalang ni Toby ang magkakabit ng tarpaulin. Si Jenny ang humawak sa upuan ko. 12 PM na ng matapos ang pagkakabit ng dekorasyon, tumawag si Nanay na kakain na daw at tanghali na, nakakahiya sa bisita. Inalok pa kami ng miryenda ni Jenny kaso nagmamadali na si Nanay sabi ko, “ nag-alok siya na ihahatid nalang kami ganit ang kotse niya dahil sobrang init sa labas pag naglakad lang kami, aayaw pa sana ako ngunit ang 3 ungas MJ, Morris at Rey nauna pang sumakay sa kotse, nahihiya talaga ako kay Jenny, nasa passenger seat ako, kantyawan naman ang tatlo, habang si Arvin nanatiling tahimik. Nilingon ko sabay tanong kung ok lang siya, nag thumbs –up lang ang sagot niya. Inisip ko nalang baka nagugutom narin siguro.
Mabilis naming narating ang bahay, at nagpasalamat ulit ako kay Jenny sa paghahatid sa amin, ang daming nakatingin kung sinu ang bumabang babae, k
Asi nman nakipag shake hands din ito sa akin dahil sa pagtulong at pagkaligtas ko sa kanya kanina, hindi na siya pumasok sa loob at umalis narin, kantyawan naman mga Tito at Tita ko. “ANG GANDA NG CHICK MO MAC,MAYAMAN PA” sigaw ng pinsan kong si kuya Randy,” tadu, kaibigan ko lang yun” sabi ko, sabay pasok sa loob ng bahay, nakahanda na sa mesa ang pagkain, nag set-up din ng tent sa labas na halos na-occupied ang kalhati ng kalsada,may videoke din at Monoblock Chairs . halatang malungkot parin si Arvin, pagkakuha naming ng pagkain niyaya ko sila na sa labas nalang kumain at presko doon, si Arvin ang huling dumating na kaunti lang ang pagkain na kinuha. Nagulat ako sabya biro” DIET ka tol? Tawanan naman kami. Walang imikan habang kumakain, may nagserve narin ng softdrinks at dessert, may salad at may cake, nabusog talaga ako. Akala nila galing sa catering service ang pagkain kasi sobrang sarap, sabi ko si Nanay lang nagprepare may kinuha lang kaming katuwang niya. Pahinga kami saglit at kwentuha nanaman, pinakilala ko din sila sa mga pinsan ko, Tito atTtita sa mga kapatid ko at bayaw ko, syempre kay Tatay.
2 PM naglabas na ng alak at nagsimula ng Videoke, pinapili ko sila ng kanta at si MJ ang unang kumanta, palakpakan naman pagkatapos kasi naman gayang-gaya niya ang kantang yun, mahusay pala kumanta ito si MJ. Sunod si Morris pang rock namna ang gusto nito, na hindi ko gaanong maunawaan ang pagkakanta, Si Morris, sa grupo siya ang mahilig sa gitara. Si Rey ay nagpass muna adhil wala pang napiling kanta, kaya binigay ko kay Arvin ang microphone sabi niya next nalang daw siya kaya binigay ko muna sa Tito ko at umawit ito ng MY WAY, hiyawan at kantyawan , panu ban man ang dami ng namatay sakantang iyon..palakpakan at sigawan ang mga naroon, ganun ka masiyahin ang pamilya ko. sumunod na kumanta si Arvin, dahil narin sa pagpupumilit ni nanay na marinig ang boses nito. Wala na siyang magawa at tumayo at pinindot ang napling kanta.
#########KAHIT ISANG SAGLIT########
Martin Nievera
Natahimik ang lahat ng magsimula ng siyang umawit, sh*t ang ganda ng boses ni mokong, ang lamig at with feelings pa, pakiramdam ko sa mga naroon na nakarinig sila ng anghel na kumakanta. Naramdaman ko ang lungkot na iyon na nais niyang iparating, ng matapos ang kanta, ang lakas ng sigawan at palakpakan. More! More! Galing! Idol! Ang sigaw ng mga kabataan na naroon, ako man ay natutlala parin, first time ko kasi marinig ang boses niya na ganun kaganda. Napansin ko nalang si Nanay nagpupunas na ng luha pati mga Tita ko. sabay takbo ni nanay at yumakap sa kanya. Sabay sabi” Ang ganda ng boses ng anak ko” Nabigla ako sa sinabi ni nanay, tama ba narinig ko? ANAK? Hindi naman lasing si Nanay dahil di pa sila umiinom sa loob. Tinapik-tapik ni Arvin ang likod ni nanay act of comforting, at tsaka kumalas na sa pagkakayakap. Ngumiti naman siya sabay upo malapit sa akin. Biniro ko pa siya” lagot ka, pinaiyak mo si Nanay sa birthday niya” tinanong niya ko kung narinig ko yung sinabi ni Nanay sa kanya na tinawag siyang Anak nito. Tumango lang ako sabay ngiti, ngumiti narin siya at nawala na ang lungkot sa mukha niya at napalitan na ang dating masayahin na si Arvin.
Mga pinsan kong lalaki at mga kapitbahay kong mga binata ang kainuman namin, sila Tatay at Tito ko, bayaw ko si Kuya Jun, at mga kumpare nman niya ang magkakaharap. Sila Nanay naman at mga Tita ko naroon sa loob ng bahay nag-iinuman.
THE BAR lang ang ininom namin dahil di ko kaya ang tanduay at matador, pumayag naman ang apat na hindi rin pala sanay sa inuman,magkatabi parin kami ni Arvin at minsan pasimple niyang hinahawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa at pinipisil ito, pinabyaan ko nalang siya. Halata na may tama na siya ng alak dahil sa mapula na ang pisngi nito. Sabay tanong ko sa kanila” mga tol kaya pa ba?” thumbs-up lang ang sagot nila. Around 3 PM may tama narin ako ng alak naka 7 bote na pala kami, kaya naman nag pass muna ako sa mga sumunod na tagay. Napagpasyahan nalang na beer nalang ang inumin namin para pambanlaw daw, kumuha ng RED HORSE si Kuya Randy sa loob ng bahay at nagbukas ng tig-isang bote sabay abot sa aming lahat. Si MJ nagpaalam na uuwi nan g 5 PM susunduin daw ang ate niya sa terminal ng Bus galing Olongapo. Pumayag narin kami at hindi na pinilit na uminom pa. 5 pm sinamahan ko si MJ magpaalam kay Nanay at kay Tatay, may inabot na paper bag si Nanay pagkain daw iyon, ayaw pa sana ni MJ dalhin pero mapilit si nanay at napapayag din ang huli.yumakap siya aky nanay at nagpasalamat, si nanay din nagpasalamat sa mababait ang naging kaibigan ko.
Hinatid ko si MJ sa labasan ng Subdivision, napansin ko humabol si Arvin,umakbay sa akin si MJ at nagpasalamat, humingi naman ako ng dispensa kasi hindi ko na siya maihahatid sa sakayan sa SM FAIRVIEW, dunamaan ako sa guard house at inabot ko ang paper bag na pinabibigay ni Nanay. Nagpasalamat naman si manong guard, dumating din si Arvin at nagpaalam kay MJ. agad itong nakasakay, at bumalik na kami ni Arvin sa bahay, inakbayan ako ni mokong pinabyaan ko lang nalalanghap ko ang alak sa hininga niya at sabay siko ko sa tagiliran niya at sinabi ko na wag ng uminom kasi malayo pa ang uuwian niya. Kaya pa naman daw niya kaya di na ako nakipag-talo pa. kinurot niya ako sa tagiliran,bakit daw ang sweet sweet namin kanina habang naka akbay si MJ sa akin.
“UROR!” sabi ko sa kanya, sabay takbo papalayo sa kanya. Hanggang sumapit ang 8 PM nagpaaalam narin sila Morris at Rey na uuwina, tulad ni MJ may inabot din sa kanila na paper bag at nagpaalam narin, hinatid ko din sila sa labasan, kanina ko pa napapansin panay ang text ni Arvin, sinabi ko sa kanya kung may balak siyang umuwi kasi nga malayo pa ang uwian niya.. sabi niya ay 9 PM kasi trapik pa daw sa ngayon at sa short cut siya dadaan para mabilis, di namin namalayan ang oras dahil narin sa kwentuhan namin ng mga pinsan ko 9:30 na pala. Sabi ko kay Arvin, nagpaaalam siya mag CR lang daw, at makapaghilamos, 9:40 na di parin lunabas sa bahay kaya pinuntahan ko na, naku po hindi nga ako nagkamali at nagtatwag na ng uwak ang mokong doon sa CR, basang-basa na nag damit sa pawis, hinilod ko ang likod at inalalayan na tumayo.
Nakita kami ni Nanay habang palabas ng CR, agad naman akong tinulungan ni nanay, tinawag ko ang pinsang si Kuya Randy upang magpatulong i-akyat sa kwarto si Arvin, “ naku bumagsak na pala itong si pogi, mahina pala ito sa inuman” sabay tawa. May kabigatan si Arvin pero nai-akyat naman naming ng maayos, agad naming sumunod si nanay na may dalang plangganita na may maligam-gam na tubig at bimpo pinahubad nito ang suot na polo at sando, si nanay ang nagpunas sa mukha ni Arvin lasing na lasing talaga ang mokong dahil walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Biglang umakyat si kuya Randy at hinahanap si nanay, may bisita daw na papauwi na, inabot sa akin ni Nanay ang bimpo, sabi niya tanggalin ko daw ang pantalon at punasan ang binti para nadaling mawala ang pagkalasing. Kahit may pag-aalinlangan tumango nalang ako sa sinabi ni nanay.. bumaba si nanay, nagtext ako kay kuya Randy na siya muna bahala sa ibang bisita” no problem insan” reply niya.
Nakatihaya parin si Arvin ang gwapo niya taalga pagmasdan kahit magulo ang buhok, kahit medyo chubby, paarng si Jake Vargas talaga mas gwapo pa nga.
I T U T U L O Y...