kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Isang araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito.
“Mag-ayos ka anak, may bisita ka, naghihintay sa baba?”
Hindi muna ako lumabas. Tinanong ko muna kung sino.
“Si Aris ba ‘yan tito?”
“Aris? Ikaw na mismo nagbilin na ayaw mong pag-usapan natin si Aris tapos si Aris agad ang pumasok sa isip mo. Ano ba talaga Rhon? Nakapag-move on ka na ba talaga o in denial ka padin?”
Hindi ko na lang sinagot si Tito pero tinignan ko siya na parang nagtatanong ang aking mukha.
“Hindi si Aris.”
“E, sino?”
“Kaya nga lumabas ka para makita at makausap mo siya.”
“Basta siguraduhin ninyong hindi si Aris ‘yan.”
“Hindi nga…kulit ng batang ‘to.”
“O, siya, susunod na ho ako sa baba.”
Pagbaba ko sa hagdan ay kinagulat kong makita kung sino ang aking bisita. Parang hindi ko alam kung lulundag ba ako sa tuwa o babalik na lang sa aking kuwarto. Hindi ko alam kung yayakapin ko siya o basta na lang ordinaryong paglapit at uupo.
“Kumusta na, anak?”
Anak? Tinawag na muli niya akong anak? Akala ko ba ayaw na niya akong makita? Akala ko ba kinahihiya niya akong magiging bahagi ng kaniyang pamilya?
“Okey lang po Pa. Sorry po.” Tumulo ang pinigilan kong luha.
Lumapit si papa sa akin. Nakita kong mamasa-masa din ang gilid ng kaniyang mga mata ngunit pinigilan lang niya ang pagluha.
“Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo, anak.” Pumiyok ang boses niya. Halatang hindi sanay sa ganoon. Pinisil niya ang balikat ko. “Pasensiya ka na, nabigla si Papa. Hindi ko kasi alam. Saka ayaw kong sana maging ganiyan ka dahil ayaw kong magiging ikaw ang paksa ng mga panlalait ng mga tao. Nang nawala ka, doon ko napagtanto ang kahalagahan mo sa pamilya. Noon ko naisip na kahit ano ka pa, ikaw ay galing sa akin. Na kahit ano pa ang pagkatao mo, ikaw ay anak ko at iyon ay isang katotohanang hindi maitatanggi. Noong nawala ka sa amin, napagtanto ko kung gaano ko naramdaman na parang may kulang sa buhay namin. Kaya sana mapatawad mo kami, anak.”
Para sa akin, isa iyong bahagi ng buhay ko na sadyang ipinagpasalamat ko. Ngayon, kung aking iisipin, parang over-acting ang ginawa kong pagyakap kay Papa at paghagulgol bilang paglabas sa lahat nang naipong sakit sa dibdib ko. Ngunit noong ginagawa ko ang bagay na iyon ay hindi ko naisip na korni o OA dahil iyon ay sadyang galing sa aking puso. Isang likas na kinikilos na nagagawa ng kahit sino sa ating nagulat sa isang pagdating ng hindi inaasahang kasiyahan at pagkabuo ng pagkatao. Napakasaya ko nang araw na iyon. Sinabi ni papa na hindi siya aalis na hindi niya ako kasamang umuwi sa bahay.
Isang paghahanda ang gustong ipagdiwang ni Papa. Lahat daw ay gusto niyang pagsasama-samahin at minsanang ipagdiwang ang lahat ng mga okasyon sa buhay ko na hindi siya nakasama. Ang aking pagtatapos ng college, ang pagpasok at pagtapos ko ng unang taon ng pagkapari at ang muling pagkabuo ng kaniyang pamilya. Iisa ang pumasok sa isip ko noon na gustong makita ang kasiyahan kong iyon. Ang isang taong nakinig at dumamay ng ikuwento ko sa kaniya ang ginawa ni papa sa akin. Taong napaluha dahil naramdaman niya ang bigat ng aking dinadala. Isang nagmahal sa akin sa kabila ng aking mga pagkukulang at pagkakamali. Taong dinamayan ako para makabangon sa sakit na likha ng aking nakaraan…si Alden.
Dalawang araw ang paghahanda bago ang okasyon ay nagpaalam ako kina Mama at Papa para sunduin si Alden sa Mabalacat, Pampanga. Gusto ko siyang ipakilala sa pamilya ko hindi isang boyfriend kundi kaibigang nagpahalaga sa akin sa loob ng seminary. Gusto kong makilala niya ang pamilya ko. Gusto kong makasama siya sa labas ng walang takot, na walang iniisip na masama ang aming ginagawa katulad nang takot namin noong nasa loob kami ng seminary. Gusto kong maging malaya kami sa paggawa sa alam naming tama ngunit kasalanan sa nakakarami. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman. Iyong siya ang nakikita ko at hindi iba. Iyong hindi ko mabanggit ang pangalan ni Aris kapag pinupuri ko siya.
Halos dalawang oras din ang biyahe ko mula Makati hanggang sa Mabalacat. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Excited na sobrang kinakabahan na masaya. Basta halu-halong emosyon ang salit-salitang pumapasok sa aking sistema. Mabuti na lang at mahusay ang memory ko kung paano pupunta sa kanila. Hindi nga ako nabigo. Nahanap ko ang bahay nila. Noon ko nakita ang pagkasalat nila sa buhay.
Tinanong ko ang isang ginang na abala noon sa paglalaba.
“Magandang umaga po. Dito ho ba nakatira si Alden?”
Ngumiti siya. “Dito nga. Ako ang nanay niya. Sino sila?”
“Ako po si Rhon, kasamahan po ako ni Alden sa seminary. Gusto ko lang po sanang makausap ho siya.” Magalang kong pagpapakilala sa aking sarili at hanapin ang aking sadya.
“Wala siya dito. Isang Linggo na yata sa Baguio. Malungkot kasi nang umuwi dito. Laging tulala at gusto laging mapag-isa. May pumunta ditong kasamahan niya sa seminary, James? Jay? Hindi ko kasi masyadong matandaan ang pangalan?”
“Jake? Baka ho Jake ang pangalan nung kasama niya.” Kumpirmasyon ko
“Oo nga, Jake nga ang pangalan. Yayain daw niya sa kanila si Alden nang makalimot daw kahit sandali.”
“Makalimot? May problema ho ba siya?” tanong ko kahit alam kong ako ang dahilan ng kaniyang kalungkutan.
“Naku pasensiya ka na, hindi din niya sinabi sa akin ang kabuuan ng kaniyang pinagdadaanan.”
“Ah, magkasama po sila ni Jake? Matatagalan ho ba daw siya doon?”
“Mga dalawang Linggo. Isang Linggo na siya kahapon. Sabi niya, baka daw sakaling makalimot siya sa nararamdaman niyang kakaiba. Gusto daw niyang mawili nang tuluyang makalimutan ang pagkabigo.”
“Pagkabigo daw ho sa ano?” dahil siya na din lang ang nagsimulang pag-usapan ito kaya naman naglakas loob na din akong magtanong.
“Hindi ko alam, tinatanong ko siya kung may babae ba sa seminary para mabigo siya sa pag-ibig e, di naman sumagot. May mga babae ba doon sa sa inyo?”
Nagulat ako sa tanong ng nanay niya. Hindi din ako nakasagot agad-agad. Nag-isip na lang ako ng idadahilan.
“Nabigo siguro siya dahil hindi ho niya na-perfect ang finals namin. Sanay po kasi si Alden na perfekin ang mga exams.”
“Gano’n ba! Akala ko naman kung anong pagkabigo ang sinasabi niya. Ngayon ko lang kasi nakitang nalungkot iyon na parang laging tulala at wala sa sarili. Lalim ng mga hininga. Ayaw nga sana niyang sumama kay Jake pero napilitan din ito nang sinabihan kong kailangan niyang magrelax lalo na at bakasyon naman ninyo.”
Hindi na rin ako nagtagal pa. Hindi ko din naman kasi alam ang address ni Jake sa Baguio para sana masundan ko siya doon.
Si Jake. Nang una kong makita si Jake, akalain mong hindi siya yung tipong nababagay magpari. Mayabang at presko kung kumilos. Siguro dahil astang lalaking-lalaki isabay pa dito ang maganda niyang katawan. Maputi, tamang tangkad at magaling pumorma. Kadalasan fitted na t-shirt ang suot na lalong nagpatingkad sa hubog ng kaniyang pangangatawan. Matangos ang tamang tubo ng ilong na binagayan ng may kakapalang kilay at mapula-pulang labi. Expressive ang kaniyang mga mata. Kaya naman hindi ko talaga maiwasang pag-isipan sila ng hindi maganda. Natatakot ako na ang atensiyon ni Alden na dapat ay akin lang ay mapunta kay Jake. Kung walang hitsura si Jake, mapapanatag pa sana ako. Sa dinami-dami ng seminaryong hindi naman talaga kaguwapuhan ay bakit si Jake pa ang napili niyang kaibigan?
Noon ko naisip kung gaano dinamdam ni Alden ang sakit ng pagkabigo sa akin. Nakonsensiya ako sa aking ginawa. Parang nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya ngunit hindi ko alam kung paano. Gusto kong bumawi sa mga kasalanan ko sa kaniya. Gusto kong maramdam niya ang pagmamahal ko. Napakabigat ng nararamdaman ko nang umuwi sa bahay. Hindi ko kayang magpakasaya dahil alam kong sa mga sandaling iyon ay may taong nasasaktan dahil sa hindi ko sinasadyang mga pagkakamali. Pinilit kong inenjoy ang party sa bahay kahit sa sulok ng aking puso ay naroon ang guilt na nararamdaman ko para kay Alden. Isang guilt feelings na alam kong mawawala lamang kung makausap ko siya at maipadama sa kaniyang nagsisisi na ako sa panggamit sa kaniya para makalimot kay Aris, ginawa ko siyang panakip butas, nakikita ko siya ngunit hindi tinitignan. Nahahaplos, nayayakap at nahahalikan ko siya ngunit hindi ko siya nararamdaman at gusto kong sa muli naming pagkikita ay maiparamdam ko iyon sa kaniya. Gusto kong itama ang aking pagkakamali.
Naging mabilis ang paglipas ng araw at dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ang pagkikita naming muli ni Alden. Ang pagsisimula. Nauna akong dumating sa kuwarto namin. Nakapaglinis na ako at nakatulog. Nagising ako sa pagdating niya. Ngumiti siya ng tipid sa akin nang maibukas ko ang aking mga mata. Tinignan ko ang oras, ala-una ng hapon. Hindi pa ako nananghalian.
“Kumusta ang bakasyon?” tanong ko. Uminat- inat muna ako. Nang tuluyang mahimasmasan ay saka ako bumangon at umayos ng upo.
“Okey lang naman.” Matipid niyang sagot. Hindi siya nakatingin sa akin.
“Nananghalian ka na? May dala akong pagkain.” Alok ko.
“Tapos na, kumain na kami sa daan kanina.”
Gumamit siya ng “kami”, hindi ko na kailangan tanungin kung sino ang kasama niya. Bumuntong-hininga ako. Minabuti kong huwag na lang munang pag-usapan ang tungkol kay Jake.
“Pumunta pala ako sa inyo.” Nakangiti akong lumapit sa kaniya.
“Alam ko. Sinabi ni nanay sa akin.”
“Imbitahan sana kita sa bahay no’n kaso nasa Baguio daw kayo.”
“Pasensiya ka na, huwag na lang pag-usapan.”
Naisip ko, huwag pag-usapan? Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa lakad nila ni Jake? Bakit?
“Galit ka ba sa akin, Den?” tanong ko. Umupo ako sa kama niya.
“Wala ako karapatang magalit. Saka tapos na lahat ‘yun. Wala na sa akin. Kalimutan mo na lang lahat ang mga nangyari noon.”
Hinubad niya ang kaniyang pantalon at t-shirt. Tanging boxer short na lamang niya ang naiwan. Nakaramdam ako ng kakaiba. Tumingin siya sa akin. Pumuwesto ako ng upo. Inihanda ko na ang sarili ko sa kahit anong mangyari. God…namiss ko ang katawang iyon…ang kaniyang mga hininga, ang labi niya, ang halik…ang pagmamahal.
Nagkamot siya ng ulo. Para siyang gumawapo sa paningin ko. Parang umitim siya ng bahagya. Lalo tuloy silang nagkahawig ni Aris ngayon. Ahhh! Hinding-hindi ko na dapat pang iniisip si Aris o mabanggit-banggit si Aris kay Alden. Si Alden na dapat ang tuon ang puso at isipan ko. At narito siya ngayon.
Nanginginig na ako. Gusto ko na siyang hilain sa kama ngunit parang may pumipigil sa aking gawin ko ‘yon. Tinanggal ko na din ang damit ko at tanging boxer short na rin lang ang naiiwan. Bahagya akong sumandal sa mga unan. Umupo siya sa kama. Tumalikod.
“Pagod kasi ako. Baka puwedeng mahiga sa kama ko.”
Parang nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya sa narinig ko. Pero sa tulad kong nasasabik at malakas ang tiwala sa sariling mahal na mahal ako ng taong nasa harapan ko at nakahubad ng pang-itaas ay hindi ganoon kadali tatalab ang sinabi niya. Kailangan kong ipadama sa kaniya ang pagmamahal ko. Kailangan kong ipakita sa kaniyang nagbago na ako kahit daanin ko iyon sa init ng romansa, ng halik at sex basta ang importante ay maramdaman niyang siya na ang gusto kong mahalin at hindi ang nakaraan. Niyakap ko siya. Hinalikan sa likod ng tainga at kinalikot ko ang kaniyang mamula-mulang utong. Tinanggal niya ang aking mga kamay doon. Bahagyan niya ako itinulak.
“Bakit ayaw mo? Hindi mo ako na-miss?” napahiya kong tanong.
Huminga siya ng malalim.
“Hindi mo ba ako narinig, Rhon? Sabi ko pagod ako at baka puwedeng mahiga ako sa kama ko. Inaantok kasi ako. Please?”
“Okey, fine. Sorry.” Mabigat ang pagkakasabi ko no’n. Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa akin ngunit walang emosyon sa kaniyang mukha. Blangko.
Parang natauhan ako. Kinuha ko ang damit ko at bumalik sa aking kama. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Sobrang napahiya ako sa nangyari. Nahiga ako at pumikit. Naroon ang sakit ng loob. Naroon parin ang pride. Kung ayaw niya di huwag. Feeling niya pipilitin ko siya. Tignan natin kung sinong hindi makakatiis.
Ilang minuto palang akong nakahiga at alam kong hindi parin siya nakakatulog nang may mahinang katok sa aming pintuan. Nagkunyari akong tulog kaya siya ang tumayo para buksan iyon.
“Oh, akala ko matutulog ka?” dinig kong tanong ni Alden. Naroon ang saya ng kaniyang tinig. Hindi katulad nang kausap niya ako kanina.
“Di ako makatulog eh. Di ba nakita mo namang an’sarap ng tulog ko sa bus kanina?” boses ni Jake. “Nandiyan na ba si Rhon?”
“Oo, tulog na yata.”
“Do’n na lang sa kuwarto ko ikaw magpalipas muna ng oras. Wala pa kasi yung roommate ko. Wala akong makausap. Bukas pa daw ang dating kasi galing pa ng Batanes iyon. Saka sa isang araw pa naman ang regular class natin.”
“Okey lang ba? Baka pagalitan tayo.” paanas niyang tanong. Alam kong ayaw niyang marinig ko ang pag-uusap nila.
“Ayos lang ‘yun. Di naman nila malalaman.”
“Sandali lang, magdadamit ako. Lakas pa naman ng boses mo. Magising mo pa si Rhon.”
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsara ng pintuan. Ayaw kong umiyak ngunit parang nasanay na ang mata ko sa pagluha. Wala akong magawa kundi iluha ang pagseselos. Tama. Nagseselos ako. Sa tuwing nasasaktan ako ay parang ang pagluha na lamang ang paraan para ilabas ang sakit na aking nararamdaman.
Gabi na nang bumalik si Alden sa kuwarto namin. Kinuha niya ang unan at kumot niya. Di ko napigilan ang sarili kong magtanong.
“Sa’n ka matutulog?”
“Kina Jake.”
“Magkasama na nga kayo buong bakasyon, doon ka parin matutulog ngayon?” halata na ang pagmamaktol ko. Di ko na maitago ang nararamdaman kong selos.
“May gusto ka bang ipakahulugan, Rhon.”
“Obvious ba? Sabi mo kanina matutulog ka dahil nga pagod ka. Dumating si Jake, hindi ka na pagod at ilang oras ka ding nawala.”
“Nagseselos ka?”
“Kadarating lang natin dito, nagkasama naman kayo nang bakasyon, hindi mo lang ba ako kukumustahin?” pilit kong ibinaling sa iba ang tanong niya. Hindi ko kayang aminin sa harap-harapan na nagseselos nga ako.
“O, kumusta ang bakasyon mo?”
“Ewan ko sa’yo!” sagot ko
“Tignan mo? Hindi ko alam kung ano ba talaga kasi ang gusto mo. Kinakamusta kita pabalang ang sagot mo.”
“E kasi naman mag-isa ako dito, tapos sa kuwarto ni Jake ka naglalagi!”
“Eh, ano nga naman ngayon sa iyo ‘yun?”
“Wala lang.”
“Wala lang naman pala e? Maliban na lang kung nagseselos ka. Pero, bakit ka nga ba naman magselos e, hindi naman nga tayo? Ano nga ba talaga tayo Rhon?”
Natigilan ako sa pagbalik ng tanong niya sa akin.
“Iwan mo ako dito ngayon mag-isa? Hindi mo ba ako na-miss?” gusto kong ibahin ang usapan. Sa tuwing natatalo ako at walang maisagot, iyon na lagi ang ginagawa ko, ang ibahin kung anong usapan.
“Namiss?” Ngumiti siya. “Bakit naman kita mamimiss. May karapatan ba akong mamiss ang tulad mo?”
“Baka naman…”
“Uyy bilisan mo, kakain pa tayo sa labas, ano ba!” singit ni Jake na biglang bumulaga sa pintuan. Hinila niya si Alden at natatawa namang sumunod ang isa.
Naiwan akong napatulala. Hindi ko na nagawang sabihin pa ang mga gusto kong sabihin. Sobrang sakit ang naramdaman ko ng gabing iyon. Napakadaming tanong sa isip ko kung bakit biglang nanlamig at nagbago si Alden. Sobrang selos at inis ko kay Jake. Hindi ako mapakali ng gabing iyon. Labas-masok ako sa kuwarto. Gusto ko silang katukin sa kanilang kuwarto ngunit ano naman ang karapatan ko para gawin iyon? Ano ang sasabihin ko? Para akong nasisiraan ng ulo. Ansakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong isipin para mawala yung selos at galit na nararamdaman ko.
Bumalik ako sa kuwarto at pilit kong kalimutan ang mga ideyang sadyang nagpapasakit sa aking kalooban…ang ideyang baka nagkadevelopan na sina Jake at Alden… baka sila na ngang dalawa ngayon… Ano kaya ginagawa nila ngayon sa kuwarto ni Jake? Naghahalikan? Nagyayakapan? Nagsesex? Gusto kong isipin na naghihiganti lang si Alden, na ako parin ang mahal niya. Ginagawa lang niya ito para paselosin ako. Gusto niya lang ipadama sa akin ang dating naramdaman niya noong puro Aris ang bukambibig ko. Sa tulad kong nagseselos, ang tanging paraan para maibsan ang sakit ay ang tiwala. Tiwalang mahal niya ako at hindi niya magagawang ipagpalit ako kay Jake. Tiwalang ginagawa lang niya iyon para lalo ko siyang mahalin at mahanap siya sa puso ko. Ngunit sa likod ng tiwalang iyon na gusto kong isiksik sa isip ko ay tinatalo padin ng takot. Tinatalo ng negatibong pag-iisip. Hindi ko nagawang pagkatiwalaan si Aris nitong mga huli, sinira na iyon ni Aris kaya paano pa ako magtitiwala ngayon kay Alden?
Sa tulad kong nag-iisa at sobrang namimis ang taong wala sa aking tabi. Sa tulad kong nag-iinit at nagagalit ay isang idea ang ginawa ko. Kinuha ko ang gamit nang boxer short niya. Hinubad ko ang boxer short ko. Kinuha ko ang lotion at nilagyan ko ang kamay ko. Nahiga ako sa kama niya. Pumikit ako at nilaro, hinimas ang aking alaga. Pinagalaw ko ang aking imahinasyon. Ibinalik ko sa aking alaala ang mga ginagawa namin ni Alden hanggang uminit ako ng uminit. Si Alden ang pilit kong nilaro sa aking balintataw, ang kaniyang magandang katawan na may ritmong sumasabay sa aking pag-indayog, ang kaniyang mga labi sa aking labi. Ang kaniyang mga dila na sumasalubong sa aking dila. Ang kaniyang galit na galit na alaga at nang maabot ko ang rurok ng aking ginagawa ay biglang si Aris ang pumasok sa aking isipan. Si Aris ang nasa aking imahinasyon nang bumulwak ang aking katas. Nag-iwan iyon sa akin ng hindi maipaliwanag na kaisipan.
Kinaumagahan ay sinikap kong simulan ang pakipaglaro sa kanilang dalawa. Gusto kong malaman kung pinapaselos niya ako. Kung ganoon man, kailangan kong ipakita ko sa kaniyang hindi ako apektado. Kung sa tingin niya ay masasaktan ako sa ginagawa niya ay iparamdam kong wala akong pagmamahal sa kaniya. Gusto kong gawin iyon. Ngunit sa tuwing nakikita kong masaya sila ni Jake ay lumalabas ang tunay kong nararamdaman. Nagseselos nga ako ngunit ayaw kong patalo. Pride sa pride. Ayaw ko silang pansinin ngunit kahit hindi ko sila nakikita ay hindi ko matanggal sa aking isip na magkasama sila at masaya. Sana ako ang kasama ni Alden, sana ako ang naroon ngayon.
At isang araw, isang hindi ko nakayanang tagpo ang sumambulat sa akin na siyang naging sanhi ng paghanga ko sa tunay na pagmamahal. Isang pagmamahal na noon ko lang natuklasan. Pagmamahal ni Alden na hindi ako makapaniwalang nagawa niya.
ENJOY AND PLEASE LEAVE YOUR COMMENTS