Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

KUNG MAY MAHAL NG IBA ANG TAONG MINAMAHAL

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


 (by: JOEMAR ANCHETA)

Hindi madali ang magparaya. Hindi rin madali ang lumimot. Ngunit tinanong mo na ba ang iyong sarili kung hanggang kailan ka magpapaapekto sa iyong emosyon? Nagawa mo na bang pag- aralan kung hanggang kailan mo lolokohin ang iyong sarili? Kung hanggang kailan ka magpapakabulag at magpapakamanhid sa katangahan mong pag- ibig?

Minahal mo siya. Libong beses niyang sinabi sa iyo na ikaw ang buhay niya, ikaw ang nag- iisang nilalaman ng kanyang isip at ikaw lamang ang pakamamahalin hanggang sa huli. Hindi siya natutulog kung hindi siya nakapagpapadala ng text sa iyo ng “Good Night” at siya rin ang gumigising sa iyo ng masuyo niyang text na “Good Morning!”. Mahigpit ka niyang niyayakap at laging pinupuri ang pisikal mong anyo. Ang inyong mga titigan ay parang walang katapusan. Para sa iyo, siya na ang pinakamaganda o pinakaguwapong nilalang sa mundo. Wala ng hihigit pa sa taong minahal mo. Sa tuwing nakikita mo siya, hindi parin nawawala ang kabog ng iyong dibdib. Sa tuwing magkasama kayo, pakiramdam mo ang tatlong oras ay tatlong sandali lamang. Ninais mo na sana hindi na lamang siya aalis sa piling mo. Na sana’y lagi siyang nasa tabi mo at masuyo ka niyang niyayakap. Ang paniwala mo’y mahal ka niya… mahal na mahal. Naghihintayan kayo pagkatapos ng inyong klase o pagkatapos ng inyong trabaho. Binibisita ka niya sa tuwing wala siyang ginagawa. Lagi kayong namamasyal. Sa kaunting salita, sa kanya umiikot ang iyong buhay.

Hanggang hindi ka na makatulog isang gabi sa kahihintay ng nakasanayan mong text niyang “good night” at ipinagtataka mo rin ng husto ang ngiti mo sa umagang “Good morning niya ay biglang natigil na. Bihira na rin niyang sagutin ang iyong mga text at nakakaligtaan na niyang tawagin ka ng beybs, o ng honey o kaya ay baby. Nagtatanong ka sa iyong sarili kung bakit pati ang “love u” o ng “143” or ng text kiss na “mwaah!” sa huli ng bawat text niya ay hindi mo na rin nababasa pa. Nawawalan ka ng ganang kumain dahil hindi mo na rin natatanggap pa ang text niyang nagtatanong kung kumain ka na ba o hindi na. Wala ka na ring alam kung saan siya nagpupupunta dahil sinasadya na niyang hindi na iyon ipaalam pa sa iyo. Nangangawit ka sa kahihintay sa kanya na sunduin ka niya. Sumasakit ang loob mo kung sa bandang huli’y sasabihin sa iyo na hindi ka na niya masusundo pa dahil abala siya, may sakit o mga sari- saring rason na hindi mo alam kung may bahid bang katotohanan o wala. Hindi ka na niya mabisita sa mga araw na pinagkasunduan niyong pagkikita ninyo. Hindi mo na siya halos makasamang mamasyal. Hindi na niya pinupuri ang pisikal mong anyo. Hindi ka na niya tinititigan o masabi man lamang kung gaano ka niya kamahal.


Tinanong mo siya kung ano ang problema? Kung bakit bigla siyang nagkagano’n? Akala mo ba’y sasagutin ka ng diretso? Sa akala mo ba’y ipapamukha niya sa iyo ang katotohanang may mahal na siyang iba? Sabi nga sa ingles “Action speaks louder than words.” Ngunit para sa taong bulag na nagmamahal na katulad mo, hindi ka basta- basta tinatalo ng katotohanan. Hindi ganoon kadaling masaktan dahil nga ginawa kang pipi, bulag at manhid ang pag- ibig sa iyong puso. Nagsimulang naging masalimuot ang inyong pagsasama. Lagi na kayong nag- aaway. Lagi ka nang humihingi sa kanya ng panahon na dati ay hindi mo naman ginagawa. Tingin mo sa iyong sarili ay naghahabol na. Hindi ba iyon totoo? Naghahabol ka ng taong nawawalan na ng interes sa iyo. Mahiya ka sa sarili mo. Hindi ka ganoon kamiserable para magmakaawang ibalik niya ang dating pagtingin sa iyo. Lagi mong tandaan na kung naglaho na ang pag- ibig at may bago ng nakalaan sa kanyang puso, tuluyan na ring maglalahong parang bula ang lahat ng inyong nakaraan. Katulad iyan ng pagkain na kapag nasa harap mo pa lamang at sinasamyo ang aroma nito ay nanggigigil kang matikman. Sarap na sarap kang nguyain iyon at halos ayaw mong tigilan hangga’t hindi ka nabubusog ng husto ngunit pagdaan nito sa lalamunan at pinuno ang iyong sikmura, lubusan ng nawala ang dati’y interes mo para kainin. Hindi mo na maisip kung gaano mo hinangad na makain ang ngayon ay laman nang iyong sikmura. Pagkatapos mong maidumi iyon at may bago na namang pagkain sa iyong harapan, muli mo pa kayang maiisip ang sandaling sarap na sarap kang isubo at nguyain ang kinain mo’t idinumi? Siguradong hindi na sapagkat ibang lasa at ibang pagkagusto na naman ang nadama mo na nasa iyong harapan ngayon. Maiisip mo lamang ang dating kinain mo kung ikaw ay gutom na naman at wala ng ibang makain pa. Binabalikan mo lamang ng alaala ang panahong kumain ka ng masarap kung kailan ikaw ay wala ng halos makain. Ganoon minsan ang pag- ibig. Huwag mong hayaang katulad ka ng pagkain lamang. Ikaw ay tao, may damdamin, nasasaktan, nagbabago at nagsasawa. Kailangan mong maging matatag at tanggapin na ang lahat ay nagbabago.

Ngayon at natuklasan mong may iba nga siya. Ang titig ng taong minahal mo sa kanyang kasama ay tulad ng mga titig niya sa iyo ng kayo pa lamang. Ang kanyang mga ngiti at paraan ng pagsasalita ay katulad ng ikaw ay minahal ka niya. Ang lambingan nila ay nagpapadagdag sa sakit na iyong nararamdaman ngayon. Magmumukmok ka. Ayaw mong makipag- usap sa iba. Napakabigat ng pasan mong mundo. Tuluy- tuloy ang pagbuhos ng iyong luha. Iniiyakan mo ang isang taong nang- iwan sa iyo samantalang siya ay masaya sa piling ng iba. Anong ginagawa mo sa iyong sarili? Tapos, sasabihin mo sa iyong sarili na kailangan mo siyang makausap at malaman kung ano talaga ang totoo. Kinausap mo siya. Gusto mo mang pigilan ang pag- agos ng iyong luha ay hindi mo magawa. Tama lang ang ginagawa mong pagtanong kung ano na ba talaga kayo ngayong may iba na siya. Dama mo naman ang mga pagbabago, hindi ba? Nakita mo namang may iba na siya. Ano pa ba ang gusto mong malaman? Ano pa ba ang gusto mong mangyari? Mabuti kung ipapamukha niya sa iyong may mahal na siyang iba para iyon ang gagamitin mo para lumimot ka. Magalit ka sa kanya. Humanap ka ng iba. Tama! Madami pang iba diyan ngunit lagi mong tandaan na huwag kang manggamit ng iba para lamang gumanti. Tao ang ginagamit mo at hindi sapatos.

Natural lamang na sa paglimot kailangan mo ng karamay. Taong siyang pupuno sa sinapit mong paghihirap ng kalooban at siyang lilikha ng mga panibagong masasayang karanasan para tuluyan mong makalimutan ang nilikha niyang mga karanasan nang kayo pa lamang. Taong magpapalimot sa iyo sa nakaraan ngunit sana naman huwag mong gamitin ang iba dahil sa intensiyon mong ipakita sa minamahal mo na hindi lamang siya ang tao sa mundo at panggagamit sa iba para ipamukha mo sa taong minahal mo na hindi lamang siya ang nilalang sa mundo na magmamahal sa iyo. Kung ganoon ang mangyari, hindi mo pinapalaya ang sakit na kanyang paglayo sa iyo kundi dinadagdagan mo lamang ang sugat na nilikha ng paghahanap niya ng iba. Paano kung wala siyang pakialam sa mga pinaggagawa mo? Paano kung natutuwa pa siyang makita kang mayroon ng iba para tuluyan na rin siyang makakalaya sa iyo. Hindi kaya mas masakit iyon sapagkat hindi ka nagwagi sa iyong layunin? Kaya nga, kung gusto mong lumimot, iwaglit siya nang minsanan sa iyong isipan at magmahal ng iba hindi para ipamukha sa dating minamahal na makakahanap ka rin ng kapalit niya kundi humanap ka ng iba dahil karapatan mo ring maranasang umibig at ibigin. Hahanap ka ng iba hindi dahil galit ka sa kanya at husto mong maghiganti kundi nararapat na humanap ka ng iba para muli mong damhin ang tamis na hatid ng bagong pag- ibig.

Hindi ganoon kadali ang paglimot ngunit iyon lamang ang natitirang nararapat mong gawin. Huwag kang umasa na babalik pa siya sa iyo. Minsan ka na niya niloko, maaring lolokohin ka pang muli. Kung kaya niyang magmahal ng iba sa likod ng mga kabutihan mo sa kanya, siguradong makakaya mo rin siyang ipagpalit sa iba. Gawin mong patas ang laban. Kung maligaya siya ngayon sa piling ng iba, dapat ay maligaya ka rin sa iyong mga ginagawa. Hindi man sa ibang pag- ibig kundi sa mga ginagawa mo sa sarili mo. Balikan mo ang mga ginawa mo noong hindi pa kayo. Tanungin mo ang sarili mo, bakit kailangan kong wakasan ang nasimulan kong buhay ng wala siya? Bakit ako paaapekto sa taong hindi na niya ako ngayon iniisip?

Tuluyan mo na siyang kalimutan. Naiitindihan ko namang hindi magdamagan lamang ang proseso para makalimutan ang tunay na pag- ibig. Ngunit kung nakaya mo sa siang magdamag na nabuhay nang wala siya sa tabi mo, kakayanin mo uli ng isa pang magdamag, ng isang buong araw, ng isang linggo… buwan hanggang tuluyan ng hinilom ng panahon ang sugat na dulot ng pang- iiwan niya sa iyo.

Tumingin ka sa paligid mo, iba’y may mga ngiti sa labi, humahalakhak, naguguluhan, nawawala sa sarili at mga iba pang mga emosyon na siyang nagbabadya na kayo ay tao. Hindi lamang ikaw ang dumaan sa ganyang sakit, lahat halos ay may mga kuwentong dala ng hapdi ng kanilang nasirang pag- ibig.

Lagi mong isipin na may mahal na siyang iba. Hindi na ikaw ngayon ang laman ng kanyang isip. Hindi na ikaw ang pinapangarap kaya ano pang silbing pangarapin mo rin siya? Anong silbi ng iyong mga luha sa tabi? Sa palagay mo ba ay makakatulong iyon sa iyo para mapanumbalik ang kanyang pag- ibig? Nakakatuwa ka naman, kinakawawa mo ang iyong sarili. Natutuwa ako sa iyong katangahan. Kung patuloy na ganyan ang ginagawa mo sa iyong sarili, hindi ka kailanman makakalaya.

Iisa lang ang maari mong gawin ngayon, mahalin mo ang iyong sarili. Kapag nagawa mo iyon, marami kang makikilala na hihigit sa kanya. At kung sa sandaling may bago ka namang pag- ibig, pagtatawanan mo lamang ang mga sandaling nagkulong ka, lumuha at nag- isip na maghiganti sa taong hindi nararapat pagtuunan pa ng panahon.

Kaya mo yan… magtiwala ka sa iyong kakayahan.

WAKAS
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: KUNG MAY MAHAL NG IBA ANG TAONG MINAMAHAL
KUNG MAY MAHAL NG IBA ANG TAONG MINAMAHAL
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhqr5BeK39WZ_IcorYE7ujvNuuNygfbl495Y6sQdE0Y63z-CnG_fJMrNfWvZjh3ZNEiDb1ERany7Mm7egf6cH2cTWkd2z9Oh_KDKR6GqZIVd97xCdI7IFTVBl-FoCVsfFAadQGind5zx4E/s400/226059_293529487421133_1045440806_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhqr5BeK39WZ_IcorYE7ujvNuuNygfbl495Y6sQdE0Y63z-CnG_fJMrNfWvZjh3ZNEiDb1ERany7Mm7egf6cH2cTWkd2z9Oh_KDKR6GqZIVd97xCdI7IFTVBl-FoCVsfFAadQGind5zx4E/s72-c/226059_293529487421133_1045440806_n.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/kung-may-mahal-ng-iba-ang-taong.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/kung-may-mahal-ng-iba-ang-taong.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content