kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by Noypi Boyz
Flight QR 359 BOUND TO MANILA, PLEASE PROCEED TO GATE 3 FOR BOARDING! Sa wakas dumating narin ang takdang oras upang lisanin ang bansang QATAR, nagpaalipin dito ng halos 6-na taon sa diyertong lugar na ito at nagpasyang hindi na muling babalik pa..
Magkahalong kab, lungkot at excitement ang aking nadarama sa mga sandaling iyon. KABA dahil sa pag-uwi ko sa bansang Pilipinas panibagong hamon na naman ang aking haharapin. LUNGKOT sapagkat babalik nanaman ang mga malulungkot na ala-ala sa’kin na siyang dahilan ng aking pag-alis sa Pinas..at maiiwan ko din ang aking mga kasamahan at kaibigan sa trabaho na itinuring ko narin na pamilya. Excited sapagkat makikita ko na muli sila Nanay at Tatay..
Ako nga pala si MARKY ESPEJO “MAC” . 29 years old. OFW, single and still available in the market. Hehe, 2:15 PM ang estimated time of arrival namin sa NAIA TERMINAL 1, Gusto i-surprise ang mga magulang sa pag-uwi ko., ang buong akala nila ay next month pa talaga ako uuwi..
At exactly 2:10 PM nag touch down na ang eroplano na aming sinakyan, nakahinga ako ng maluwag at nagpasalamt dahil naging safe ang byahe namin. Ngunit kanina ko pa napapansin ang mga kababayan na katabi ko sa upuan kanina pa sila nakagayak . Si kuya na nasa kaliwang bahagi ko ay parang bida sa action movie dahil sa suot nitong makapal na leather jacket,at isinuot ang mala-kadenang kwentas na ginto. Sa bandang gitnang bahagi ng eroplano ay mga babaeng di magkamaliw sa paglalagay ng kung anu-anung kulay sa kanilang mukha at mata. Ganun sila ka-excited Makita ang Pinas at ang kanilang pamilya. Parang may kumurot sa parte ng dib-dib ko ng bigla ko maalala ang aking girlfriend 6- na taon narin ang nakakalipas ngunit nandito parin ang bigat sa aking dib-dib, nasawi siya sa isang car accident, na-isugod pa siya sa hospital ngunit makalipas ang ilang oras ay binawian din ito ng buhay. Ang pinakamasakit pa sa lahat ay ang hindi ko pagtupad sa huling kahilingan niya bago siya pumanaw. Kaya dala-dala ko pa ang bigat sa kalooban hanggang sa ngayon, kaya ito ang mga dahilan kung bakit ako umalis ng Pinas.. Nag focus ako sa aking trabaho , pinag-aaral ko ang aking pamangkin na babae sa F.E.U at kumukuha ng kursong BS NURSING. Hindi pala basta-basta mag paaral kayod kalabaw talaga, todo tipid makipon lang pambayad sa tuition. At sa awa ng Diyos ay nairaos ko din at isang buwan nalang mula ngayon ay Graduation na nila..
Sa wakas ay naubos narin ang pila para makalabas sa eroplano na kanina lang ay nagtutulakan pa at nag-uunahan makalabas ng pinto.Dali-dali kong kinuha ang aking bag at tinungo ang labasan.
Nasa Pilipinas na talaga ako, bulong sa sarili, inilabas ko ang kapirasong papel na aking na fill-upan sa loob palang ng eroplano habang nasa himpapawid pa kami. For immigration purposes nga daw yun, kalakip noon ang aking passport tinungo ko ang isang bahagi ng airport at kumuha ng push cart para sa aking mga bagahe na aking aabanagan sa conveyor. Mahigit 15-mins din akong nagtyagang naghintay at dumating narin ang mga bagahe. MABUHAY! MALIGAYANG PAG DATING, yan ang bati sa amin ng mga staff ng paliparan, tanging tipid na ngiti lang ang aking isinukli sa mga naroon at tuluyan ko ng tinungo ang labasan.
May taxi agad akong nakita subalit nagulat ako sa presyong ibinigay nya, kaya hindi ako pumayag. 2, 3, at sa ika-4 na taxi na nakausap ko ay napapayag ko si manong na 600 pesos lng hanggang SM FAIRVIEW. Kumpara sa 750 pesos sa mga naunang taxi. Agad kong inilagay sa bahaging likuran ng taxi ang aking mga bagahe.
Nakalabas na kami ng Airport at nasa bahagi na kami ng Pasay, palingon-lingon ako sa bawat sasakyang dumadaan at nakakasalubong namin, kahit papaano ay na miss ko rin ang mga Jeep, Bus, na walang desiplina sa pagbaba at pag-sakay sa mga pasahero kumita lamang, at higit sa lahat ang maitim na usok ng mga sasakyan at walang kamatyang mahabang trappiiiikkkk!!!.
Napangiti ako ng bahagya at napansin iyon ni manong drive, nasambit ko nalng sa kanya na “nasa pilipinas na nga po talaga ko” at sabay kaming nagtawanan. Mahigit sa isang oras at kalahati din naming binay-bay ang kalsada at sa wakas ay nakarating narin. Binayaran ko si manong ng 700 pesos para pang meryenda niya narin natuwa naman siya at nagpasalamat sabay pagharurot ng taxi.
Nasa harap na ako ng aming bahay, agad naman lumapit ang mga kaibigan ko at kapitbahay namin na tyempong nasa labas. Si nanay lang ang naabutan ko sa bahay dahil nasa tindahan si Tatay sa may palengke. Nagulat si Nanay na hindi makapaniwala na ako ang nasa harapan niya nagmano ako sa kanya, Nagyakapan kami at habnag umiiyak si nanay sa tuwa., ilang saglit pa’y dumating narin si Tatay at mga pamangkin ko sa bahay. Halos di na nila ako makilala dahil sa laki ng pinagbago ng katwan ko. Ang dating pat-patpatin at mukhang totoy na si MAC.
Pag sapit ng gabi dumalaw narin ang kapatid at bayaw ko at mga pamangkin, inabot ko sa kanila ang aking mga pasalubong sa kanila. Nagluto din si Nanay ng pork sinigang na namiss ko taalga ng husto., at hindi rin nawala ang inuman, kwentuhan sa naging buhay abroad dalawang bote lang ng beer ang aking nainom dahil hindi na ako sanay sa inuman, mahigpit kasing pinagbabawal ang alak sa middle east country, maliban alng sa mga authorize na bar. Pinangako ko rin sa mga bulilit na pamangkin ko na ipapasayal ko sila kinabukasan sa SM FAIRVIEW . Nag paalam na ako kay tatay at sa lahat ng mga kainuman at humingi ng paumanhin dahil sa pagod pa ako sa byahe. Sinabi ko nalang kay bayaw ko na kapag kulang pa ang alak kumuha lang sa tindahan at ako na bahalang magbayad kinabukasan (feeling congressman).
After 6 years ay muli ko nanaman mahigaan ang aking kwarto. Walang masyadong pinagbago naroon parin ang mga gamit ko, bookshelves at study table, at ang tv sa kwarto ko buhay parin. Minsan daw ay ipinapagamit ni Nanay ang aking kwarto kapag may bisita o kamag-anak na lumuluwas sa Maynila.At tanging ako nalang ang walang asawa sa 7 magkakapatid , ako ang bunso 5 babae at 2 lalaki. (Medyo masipag si Tatay gumawa).
Naisipan kong mag shower muna kasi naiinitan ako, dala narin siguro ng summer dahil sa kalagitnaan na ng buwan ng Marso. Pagkatapos mag shower binuksan ko ang aking maleta at naglabas ng sando at brief dahil yun ang aking nakasanayang pantulog. Naalala ko wala na pala ako sa QATAR na may Air conditioner bawat kwarto. Balik electricfan system nanaman. Marahil dala ng alak at pagod sa byahe kaya nakatulog narin ako ng mahimbing kahit iba ang time zone na nakasanayan ko sa oras ng pagtulog. Alas 10 na ng umaga ng magising ako dahil sa ingay ng mga pamangkin ko na nag-aaya mamasya sa mall. Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Pagkatapos mag-almusal at maligo ay gumayak na kmi paalis.
Nagpahatid nalang kmi sa aking bayaw gamit ang kotse nito.. Naroon din pala sa bahay si Kaye ang pamangkin kong babe pa aking pinag-aaral. Inabot ko sa kanya ang aking pasalubong at ibinalita niya na next month na pala ang Graduation nila at kailangan ay naroon ako sa araw na iyon. Habang nasa mall walang pagsidlan ng saya ang 4 na tsikiting na halos magkakasunod lang ang edad, kinukuhaan ko sila ng pictures at video habang nakasakay sa mga rides. Pagkatapos ay kumain kami sa isang fast food na sikat sa mga bata.
Nakakapagod din ang maghapong iyon, pag-uwi ko sa bahay ay bisita kami sa bahay kamag-anakan ng father side ko galing bicol., inuman at kwentuhan pati narin kantahan.
Kinaumagahan ay nagpaalam ako kay nanay na dalawin ang puntod ng dati kong girlfriend na si Jenny, isang sakay lang ito mula sa amin. Bumili narin ako ng fresh na bulak-lak at nagsindi ng kandila sa puntod niya. Napansin ko na may mga naiwang bungkos ng lanta na bulak-lak. Marahil ay palagi parin itong binibisita ng mga mahal niya sa buhay.. It’s been 6 years na ang nakalipas ngunit nandito parin ang sakit at panghihinayang dahil maaga niya akong iniwan. Naisipan ko narin na magsimba sa Quiapo Church sapagkat maaga pa naman. Mula SM Fairview ay sumakay ako ng FX. Hindi naman masyadong ma-trapik dahil tanghali narin. Pagkarating sa Quiapo ay agad akong pumasok sa simbahan dahil sa tindi ng init sa labas ay agad akong pinawisan. Humanap ako ng pwesto na may matatamaan ng buga ng electric fan. Lumuhod at taim-tim na nagdasal at humingi ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap at kapatawaran sa mga kasalanan. Walang misa noon kaya makalipas lang ang 30 minuto,nagpasya narin akong umuwi. Nasa may LACSON UNDERPASS ng makita ko ang haba ng pila ng mga tao, pila pala sa patataya ng lotto, mga pinoy talaga ginagawang investment ang pagtaya sa lotto ang tanging sambit ko sa sarili habang umiiling-iling. Nakalagpas na ako sa bahaging iyon , subalit parang may humihila sa akin pabalik, nakipila narin ako para tumaya. Di naman talaga ako mahilig dito pero sige na nga, I will try my luck this time. Hehe Malaki pala ang pot money mahigit 200 million pesos.
Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang wallet dinukot ko ang 50 pesos, minarkahan ko narin ang papel na hawak ko ng gusto kong numero. Mabilis lang naman pala ang pila dahil tatlong tao ang naroon sa loob ng booth. May napansin akong lalaki sa aking unahan pangalawa sa sinundan ko, medyo pamilyar ang mukaha niya pero nag-alangan parin ako dahil naka side view lang siya sa akin. Hihintayin ko nalang siyang matapos upang makumpirma ko ang taong ito, ito ang sabi ko sa aking sarili.
Pagkatapos makuha ang ticket ng pamilyar na taong iyon ay bigla itong humarap sa akin, Siya nga, hindi ako maaaring magkamali. TANG-AMA naman ang tanging nasambit ko sa aking sarili.(kahit kagagaling ko lng sa simbahan sorry BRO.) paano ba naman kasi hindi niya ako nakilala, hindi naman ako pandak upang hindi niya ako mapapansin 5’7 naman ang height ko at higit sa lahat hindi na ako ang dating MARKY na pat-patin para di niya makita. Dumako siya sa isang sulok upang ayusin at ilagay sa loob ng wallet niya ang hawak na ticket. Dalawang magkaparehong ticket at parehong numero ang aking tinayaan. Pagkaabot sa akin ng ticket at sukli na 10 pesos agad kong sinulyapan ang lugar na kinaroroonan niya kanina ngunit hindi ko na siya nakita. Hinanap ko siya sa buong underpass ngunit walang bakas kahit anino. Nang hihinayang man pero umuwi nalang din ako.
Kinagabihan sa aking kwarto, hindi parin maalis sa isip ko ang tagpo kanina sa underpass, hindi niya ba talaga ako nakita? O hindi nya ako mamukhaan?? O baka umiiwas parin siya?? Ahhh! Basta ang labo niya talaga, its unfair, siya nakilala ko pa after 6 years samantalang ako hindi na maalala, ang BESTFRIEND NYA??? Although malaki narin ang pinagbago ng katawan niya, nag mature narin ang dating baby face. At bahagyang pumayat na naging bagay naman sa kanya kaysa sa dating chubby.. Uo siya ang best friend ko noong 3rd year college ako.. nag transfer kasi ako ng School dahil narin sa kagustuhan ng magulang ko, dahil nakakuha ako ng scholarship sa isang government organization, at doon sa School na iyon ay pwedeng i- avail at sa hindi pwede sa former school ko na private at Catholic School.
Balik sa kwento…. ayun na nga nag transfer ako sa isang school sa may Quezon City along Aurora boulevard basta alam nyo na yan guys.. Clue?? Ang main nito ay nasa Quiapo Manila, at kulay dilaw ang logo nito na 3 letters kapag na abbreviate ano gets nyo na ba??? Hehehe..
I T U T U L O Y...