Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

ANG PAGMAMAHAL NI ADONIS KAY ADAN PART 1

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,



by: Joemar Ancheta

SANA MAGUSTUHAN NYO ANG BAGO KUWENTONG ITO NINA ADAN AT ADONIS.COMMENT RIN KAYO HA.



Marahil lahat ng sisi ay ibubunton sa akin. Marahil din ay walang maaawa sa akin dahil hindi nila naiintindihan kung ano ang tunay na nararamdaman ng katulad ko. Madali lang naman intindihin kung sino ako ngunit mahirap tanggapin. Napakadali lang naman akong unawain ngunit ang laging sinasabi sa akin ay labag sa mata ng Diyos at tao ang aking pagkasino. Kung sana katulad lang ng pagpapalit ng damit ang pagpapalit ng pagkatao ay hindi ko na hinayaang mangamoy pa ito. Kung sana malaya tayong namili kung ano ang gusto nating kasarian at pagkatao bago tayo ipinanganak ay pinili ko nang maging isang tunay na lalaki o tunay na babae at hindi sa gitna. Kung sana ay lumikha ang Diyos ng para naman sa amin, sana’y hindi kami ngayon kinukutya at ginagamit lamang ng mga taong walang pusong nagsasamantala sa aming kahinaan. Hindi ko alam kung ano ba ang layunin ng aming pagkameron sa mundo. Kung ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki naman ay para sa babae, para kanino naman kaming mga alanganin?


            Mahirap kontrahin kung ano ang nais ng Diyos… ngunit nilalang din kami at kailangan din naming malaman kung ano ba talaga ang layunin ng aming pagkalikha. Sa mga nagsasabing pinili namin magiging ganito, hindi iyon totoo. Katulad din kami ng mga normal na tao na nang ipinanganak na ay may puso at damdamin. Nagkataon lamang na maling damdamin ang napunta sa amin. Aksidenteng maling paghanga ang umusbong sa aming puso’t isipan at wala kaming kontrol doon, huli na ng mapatunayan namin na ganoon nga kami. Sinikap din naming baguhin ang damdaming iyon subalit hindi namin kaya. Katulad din nito na ang tunay na lalaki ay hindi kailanman magiging pusong babae at ang tunay na babae ay hindi kailaman magkaroon ng pusong lalaki kahit gustuhin man sanang ganoon ang mararamdaman. Sa makatuwid, ito ay katulad ng kanin na kahit kailan, titikim at titikim parin tayo sa ayaw man o sa gusto natin.



            Ito ang katotohanang hindi sa akin natanggap ni Jake. Marahil naiintindihan niya ako ngunit hanggang ngayon ay hindi niya ako kayang tanggapin. Matagal na kaming magkaibigan ni Jake. Inaamin ko, kinaibigan ko siya dahil sa mula’t sapol pa lamang, kahit nang bata pa siya ay nakaramdam na ako ng kakaibang damdamin para sa kanya. Binatilyo pa lamang ako ay pinaglabanan ko na ang maling nararamdaman ko sa kanya subalit sadyang ang pag- ibig ko sa kanya ay nagiging bahagi na rin ng aking pagkasino. Napagdaanan ko na ang lahat ng sakit, ng pagkapahiya at ng sakripisyo dahil umaasa ako ng balang araw ay magiging akin din siya. Totoong naipaghandog niya sa akin ang kanyang katawan nang paulit- ulit subalit ramdam kong iyon ay libog lamang o kaya ay napipilitan dahil sa pamimilit ko. Sa sampung taon naming pagkakaibigan ay kasama na nito ang tampuhan, batian, tuksuhan, selosan, di matagal na pang iiwan at pahiyaan. Hindi na rin mabilang kung ilang beses kaming nag- usap na kailangan na ngang putulin ang ang aming pagkakaibigan dahil sa lagi naming pinag- aawayan ang tungkol sa mali kong nakahiligan. Ngunit kung bakit nangyayari lang iyon ng ilang buwan at sa tuwing hindi inaasahang magkasalubong kami sa daan o nagkikita ay nagkakabati muli at mabubuo muli ang napag- usapang buwagin na pagkakaibigan.


            Gusto ko na rin sanang putulin ang lahat dahil pakiramdam ko ako ang laging nahihirapan. Alam ko namang balang araw ay mangyayari ang kinatatakutan ko na makakahanap siya ng babaeng mamahalin niya at tuluyan niya akong iiwan subalit kung bakit hindi ko kayang turuan ang puso ko para kalimutan siya. Kahit anong gawin ko ay lagi ko parin siyang iniisip at natatagpuan ko na lamang ang sarili kong nangangarap na kami parin ang sadyang itinadhana.


            Dumating nga ang kinatatakutan ko. Nahulog ang damdamin niya sa isang babae. Pakiramdam ko sa mga panahong iyon ay parang may isang napakahalagang bahagi ng aking katawan na tinangggal at hindi na muli pang buuin sapagkat tuluyan na iyong nawala sa akin. Tinawagan ko siya sa celphone. Sinabihan ako na sana ay huwag akong makasarili. Binibigyan daw lamang niya ang sarili ng pagkakataon para lumigaya. Ako daw ang dahilan kung bakit nasira ang kaniyang dignidad. Ang masama daw sa akin ay sarili kong kaligayahan lamang daw ang iniisip ko.


Noon din lang niya ako napagsabihan ng tarantado. Mali na kung mali ang ginawa kong paninira sa kanya subalit iyon na lamang ang alam kong paraan para kahit man lang sana sa maikling panahon ay magiging akin parin siya. Alam ko namang sa ayaw ko’t sa gusto ay pag- aari siya ng babae ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ba ipinipilit ko ang talagang hindi puwede. Naiintindihan ko rin siya ngunit hindi nito kayang mapaglabanan ang sakit na aking nararamdaman.


          Masakit sa akin na ang lalaking bahagi na ng buhay ko at naging kasa- kasama ko sa matagal nang panahon ay mawawala na sa akin ng tuluyan. Hindi naman ako naiinis sa kanya dahil tama lang naman ang ginawa niya. Nainis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang maturuan kung ano nga ba talaga ang dapat. Bakit ba ako nagkaroon ng damdaming ganito?


            Dumating nga kinatatakutan ko. Nagkaroon siya ng kasintahan at mula no’n unti- unti ng nabawasan ang oras niya sa akin. Masakit kasi yung nakikita mo na masaya siya habang ikaw naman ay nalulungkot. Sabi niya dapat magsaya ako kung saan siya masaya. Kasinungalingan. Hindi ako impokrito. Bakit sino ba naman ang taong masaya kapag iniwan ka ng taong lubos mong minahal. Sinong tanga ang maglululundag sa tuwa kapag ang taong minahal mo ay ipinagpalit ka sa iba! Lalong parang gumuho ang mundo ko ng tuluyan na siyang ikinasal. Kung sana ang pagpunit ko at pagsunog sa ibinigay niyang invitation card ay gano’n din kadali ang tuluyang pagkabura niya sa aking isipan. Kung sana nang pinunit ko ang lahat ng kanyang litrato ay dama din niya ang sakit na nararamdaman ko noon . Subalit nandoon parin ang diyaskeng pag- ibig na ito. Ano ba ang kaibig- ibig sa taong hindi kailanman ako inibig? Walang kasingsakit ang naramdaman ko noon . Lahat ng mga pangarap ko ay bumagsak at kasabay iyon ng pagbagsak ng aking buhay. Sa mga panahong iyon, hindi ko alam kung paano ko ipagpatuloy ang pagtahak tungo sa aking mga hinahangad. Nasanay na kasi akong naroon siya lagi sa tabi ko. Nasanay na akong akin siya. Kahit alam kong hindi ko siya makakasama sa nalalabing mga taon sa buhay ko, pinilit ko paring umasa na maisama ko siya sa aking mga pangarap. Iyon ang isang kamalian ko. Isinama ko sa aking mga pangarap ang taong hindi niya hinangad na makasama ako. Nagmahal ako ng taong kahit kailan ay hindi naman ako minahal.


Ipinangako ko noon sa aking sarili na kapag makita ko siya ay hindi ko siya kailanman papansinin at hindi ako na muli pang masasaktan dahil nararapat lamang na hanapin niya ang katapat niya. Sabi nga, ang lalaki ay para sa babae at ako ay para sa wala. Minsang nakita ko sila sa isang Department store at namimili ng laruan ng kanilang unang supling. Dobleng sakit ang naramdaman ko. Bakit ang tuwa sa kanilang mga labi ay nakadaragdag ng umaapoy kong galit. Tinapik niya ako sa balikat at akmang ipakikilala ako sa kanyang asawa at anak ngunit hindi ko na hinintay pa na mangyari iyon. Lumuhod ako at niyakap ng mahigpit ang kanyang anak. Sumungaw ang aking mga luha hindi dahil nagsisisi ako sa maling mga nagawa ko sa kanya kundi dahil iyon na lamang ang natitirang paraan para paglabanan ang sakit na aking sinusupil. Iniluha ko ang sakit ng loob ko sa mismong balikat ng bata at pagtayo ko ay binunot ko ang aking pitaka at inabutan siya ng limandaan. Parang bumalik sa aking alaala ang nakalipas na pagbibigay ng pera sa kanyang ama sa tuwing nangangailangan siya. Hindi na ako nagsayang ng sandali pa para tapunan ng tingin ang mag- asawa. Bakit pa?
Para lalo lang akong masaktan?


Dahil sa sakit na naramadaman, pinilit kong maging matagumpay sa aking career. Bigo man at mabibigo man muli ako sa pag- ibig at buong pagkatao, hindi ko mahahayaang pati ang buo kong buhay. Hindi na ako naniwala pa sa pag- ibig. Para madali sa akin ang paglimot, isinakatuparan ko na ang matagal ko ng pangarap na magtrabaho sa Amerika. Hindi ako nagpaalam sa kanya. Sa California ako nagkapalad makahanap ng trabaho.


Doon ay lalo akong namulat sa kakaibang mundo ng mga nasa gitna. Ang hindi ko masikmura noon ay unti- unti kong nasubukan hanggang lubusan ko na ring nagustuhan. Para sa karamihang mga ‘Kano, ang pagniniig ay hindi kasama ng pagmamahal. Iyon ay isang katuwaan lamang at iniiwasang mahulog ang damdamin. One night stand ang uso doon at pagtatawanan ka kapag relasyon ang unang binabanggit mo. Ang one night stand ay mauuwi sa pagkakagustuhan at kung talagang magclick kayong dalawa ay maari na kayong magsama. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako muli pang nagmahal pa ng iba. Namanhid na kasi ako. Ano ba ang kaibig- ibig sa pag- ibig kung ni minsan ay hindi mo naranasang inibig?
Tumagal ako sa ibang bansa ng dalawampung- taon. Madami ng nabago. Kilos pananalita, ugali, pananaw sa buhay maliban sa pag- ibig dahil hindi na talaga ako umibig pa. Kung noon , ang pagkakaalam ko ay ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki, kami naman ay para sa kapwa bakla at pamilya. Natulungan ko ang buo kong pamilya. Hindi ako naging pabaya sa kanilang mga pangangailangan. Alam kong gusto nilang tanungin sa akin kung bakit hindi pa ako nag- aasawa kaya lang ay hindi na nila binuksan pa ang tungkol doon dahil alam kong alam na nila ang kasagutan.


Tulad ng kantang “kaytagal mo mang nawala, babalik ka rin… babalik at babalik ka rin.” Bumalik nga ako. Bumalik ang lahat ng mga alaala pero iyon ay parang kurot na lamang sa akin. Sinadya kong hindi makipagkita sa kanya. Alam kong kapag kinalikot ko ang naghilom ko ng sugat ay muling dudugo at dadaan na naman ang maraming taon para ito ay paghilumin.
Minsang nangangailangan ako ay sinubukan kong lumabas at maghanap. Tumambay ako sa isang Mall at nakita ko ang isang binata na nagkakaedad na siguro ng dalawampu’t tatlo. Nilapitan ko siya at sa tingin palang niya ay nahinuha ko na nagbebenta siya ng aliw. Sa halagang pitong- raan ay napapayag ko siya. Pumasok kami sa malamig na kuwarto ng isang hotel. Pinauna ko siyang naligo at ipinatong ang pantalon sa tokador. Maya’t maya ay nahulog ang kanyang pitaka sa suwelo. Pinulot ko iyon at dahil sa curious ako sa kung sino siya, binuklat ko at napangiti ako ng makita kong magkaapelyido sila ni Jake. Naging lahi na pala sila ng kolboy ngayon, naisaloob ko. Binuklat ko pa ang kaloob- looban ng pitaka at nabigla ako nang tumambad sa aking paningin ang litrato ng babaeng umagaw sa akin kay Jake. Hindi ako nakuntento at tinignan ko lahat ang mga litratong naroon. May isang nahulog sa sahig at hindi ko na pinulot pa ng mapagsino ko ang may- ari niyon. Si Jake.


Nang lumabas si Den mula sa banyo na wala ni kahit anong saplot sa katawan ay tinanong ko siya. Nagulat siya dahil nakakalat ang mga litrato sa kama pati ang pitaka niya. Nagalit siya. Bakit ko raw pinakialaman ang mga personal niyang gamit. Nawala na ng tuluyan ang gana ko. Pinulot ko ang mga damit niya saka ko sinabihan na magdadamit siya at mag- uusap kami ng masinsinan. Nagmamadali siyang nagbihis at naroon parin ang galit na may kasamang pagmumura ngunit nangingibabaw ang pagtataka.


Ayon sa kanya, kailangan daw niya ng pera para makatapos na siya sa pag- aaral. Huling taon na raw niya ng kolehiyo at dala ng pangangailangan kaya pinasok niya ang trabahong iyon. Masakit daw ang loob niya sa Papa niya dahil masyado daw itong maidealismo. Totoong makaDiyos siya pero minsan nakakaligtaan na niya kung ano talaga ang realidad… kung ano ang talagang nangyayari at kung anong buhay mayroon siya. Sa tono ng pananalita niya, alam kong nagrerebelde siya sa sarili niyang ama. Gusto kong ipaliwanag sa kanya kung sino talaga ang ama niya, na nagkakamali siya sa bintang nito ngunit ako mismo ay hindi ko na kilala si Jake. Sa tinagal- tagal ng aming pagkakaibigan ay hindi ko pa siya lubusang nakilala dahil hindi siya nagsasabi kung anong gusto niya.


Nagbabago na nga ang panahon. Iba ng panahon ang kailangan kong pakisamahan ngayon. Ipinagtapat ko na matalik kong kaibigan ang kanyang ama para hindi siya magtaka kung bakit ko inaalam lahat ang mga bagay na iyon,. Nang una nagdalawang isip pa siya dahil nga sa aking pagkatao subalit nang sinabi ko na ako ang tutulong sa kanya para matapos ang kanyang pag- aaral ay lumiwanag ang kanyang mukha. Hindi ko na binanggit pa na may nangyari sa amin ng kanyang ama. Na ang ama niya at ako ay naging kami. Nagdesisyon ako na kailangan na sigurong magkita kami at magkausap ni Jake pagkatapos na paghiwalayin kami ng maling pag- ibig. Humilom na siguro ang sugat at hindi ko na kailangan pang galawin sa muli naming pagkikita. Pinilit ko si Den para umuwi kasama siya. Natakot siya ngunit sinabi kong ako ang bahalang magpaliwanag sa ama niya. Kinausap ko siya ng kinausap hangga’t napapayag ko rin siya. Nang pumayag at lumabas kami sa kuwartong naging susi ng muli naming pagkikita ng kaibigan ko ay nagpapasalamat ako dahil nailigtas ko ang anak niya sa maaring ikamamatay nito na sana ay manggagaling sa akin.


Sa mahigit dalawampung taon ay magkikita kaming muli ng kaisa- isang lalaki na minahal ko. Hindi ko pinangarap na mangyayari ito at wala sa magiging plano ko ang muli naming pagkikita. Magkakahalong mga emosyon ang naramdaman ko sa mga sumandaling iyon. Hindi ko alam kung kailangan kong matuwa o matakot sa hindi inaasahan naming pagkikita. Tama, nawala nang tuluyan ang maling damdaming sumira sa aming pagkakaibigan subalit ang dalisay na pag- ibig para sa isang kaibigan ay naroon parin. May bigla akong naramdaman na pilit kong itinatanggi ko noon . Namimiss ko siya. Tama, miss na miss ko na talaga siya.


Nagulat siya ng makita kaming magkasama ng kanyang anak. Halos hindi ko na rin siya nakikilala pa. May puting mga hibla na ang kanyang buhok at may mga marka na rin ng katandaan ang kanyang mukha. Subalit naroon parin ang mga dating hinangaan ko sa kanya. Singkit na mga mata, tamang tubo ng ilong at ang hustong kapal ng labi. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o kakamayan. Naramdaman ko na lamang ang higpit ng kanyang yakap sa akin. Gusto kong yakapin din siya ngunit naaalangan akong baka muli kong magalaw ang sugat na hinilom na ng panahon. Natatakot akong muling madama ang damdaming matagal ko ng inilibing sa limot. Unti- unting tumulo ang aking mga luha. Tama, umiiyak ako. Hindi ko napigilan ang aking mga luha at ganoon din siya. Dama ko iyon sa mainit na luhang pumatak sa aking leeg. Umiiyak siya. Iyak na hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung bakit. Pagkatapos ay si Den naman ang niyakap nito at tinapik- tapik sa balikat. Humingi ng tawad si Den sa kanya at buong unawa namang tinanggap. Nagtatanong ang kanyang tingin sa aming dalawa ni Den at dahil doon, sinabi kong huwag siyang mag- alala dahil walang nagyari sa amin.


Nagimbal ako sa ipinagtapat niyang nangyari sa buhay nilang mag- asawa. Tatlong taon na daw ang nakakaraan mula ng mamatay ang kanyang asawa. Kitang- kita ko parin sa kanyang mga mata ang sakit na dala nito. Bigo din siya. Mga kabiguang dala ng mapaglarong kapalaran. Nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot na nanahan din sa aking mga mata nang kung ilang taon ng lumipas dahil sa pang- iiwan niya sa akin. Alam kong dama din niya ang nadama ko noong sakit.


Hindi na ako naging interesado pa sa nakalipas. Gusto kong buuin ang mag- ama. Gusto kong magkainitindihan sila sa kung anuman ang hindi nila pinagkakasunduan. Ginusto kong malaman subalit ipinagkait sa akin malaman ko ang buong detalye. Dahil dito, para maibsan ang dinadala ni Den, sinabi ko sa harap ng kanyang ama na papag- aralin ko siya. Ako na ang tutustos sa kanyang pag- aaral hangga’t matapos siya. Ayaw pumayag ni Jake sa desisyong kong iyon subalit naging mapilit ako hanggang napapayag ko siya. Iyon na lamang ang paraan para mapunan ko kung anuman ang naging pagkukulang sa kanya. Hindi dahil ipinamumukha ko sa kanya na ako parin ang mayroon kundi dahil alam ko kung gaano kadami ang mga nagawa kong kasalanan sa kanya.


Muling lumiwanag ang mundo ko. Muling nagkakulay ang dati’y madilim na bahagi nito. Naging malapit muli kami ni Jake sa isa’t isa. Ang dating init ng pagkakaibigan ay muling nabuo. Laging may ngiti sa aming mga labi sa tuwing naglalaro kami ng scrabble at chess. Kapag tinatalo niya ako ang laging sinasabi niya ay nagpapatalo daw ako kaya siya nananalo. Sinasabi na niya iyon ng mga bata pa kami, nauulit na naman ngayon. Hanggang ngayon ay linya parin niya iyon. Pakiramdam ko ay muli na naman kaming nagsisimula. Napakasarap niyang kasama sa pagbebeach at iba pang mga pook pasyalan. Halos walang patid ang aming mga tawanan sa lahat ng aming mga lakaran. Para kaming mga nagbibinata sa mga panahong iyon. Nahihinto lamang iyon sa tuwing dinadalaw ako ng hindi ko mapigil na sakit. Araw- araw ay tumitindi ang sakit at alam ko na kung bakit. Iyon ang dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas.


Pagsasaya at pamamasyal. Sa ganoong paraan ko gustong gugulin ang nalalabing araw ng buhay ko. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata bago matulog ay may masisilayang ngiti sa aking mga labi. May pangarap na muli kong naabot na hindi ko kailanman inaasahang makakamit ko pa. Pangarap na lumikha ng sakit at ibayong pagkabigo sa akin noon . Pangarap na tinapos ko na at hinyaang tangayin ng panahon ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli akong hinanap at dinala ako sa kung saan nararapat. Narito ang pangarap na iyon. Mahimbing na natutulog sa aking tabi. Si Jake. Isa siyang pangarap na sa akala ko ay hindi ko na makakamit pa sa buong buhay ko.


Madaling araw nang niyakap niya ako ng mahigpit. Nakatalikod ako sa kanya at masuyo niyang hinagkan ang aking buhok. Napaluha ako sa hatid nitong kaibahan. Bakit ngayon din ko lang naramdaman ang kanyang pagmamahal sa akin? May kung anong nabuhay sa aking damdamin subalit kailangan kong magtiis. Hindi na maari pa. Hindi na pupuwede. At iyon ang katotohanang pilit kong tinatakasan ngayon. Iyon ang kinatatakutang kong ipaalam sa kung sino mang malapit sa aking puso. Alam kong nakahalata at nagtataka siya sa mga ikinikilos ko nitong mga nagdaang araw subalit pasasaan at malalaman din niya ang lahat. Sa gabing iyon ay gusto kong magtapat na sa kanya ngunit hindi ko na siguro kakayaning muli siyang mawawala sa akin. Hindi ko na siguro kayang hindi siya makasama sa nalalabing araw pa ng aking buhay.


Marami ang mga naririnig kong usap- usapan na kung kailan daw kami tumanda ay saka kami hindi nag- isip ng mabuti sa masama. Nagsasama man kami, hindi namin ginagawa ang mga bagay na iniisip nila. Mahal ko siya. Mahal na mahal at kahit kailan, ayaw kong mahawa siya sa sakit ko. Ayaw kong magkaroon din siya ng sakit na walang lunas.
Ipinagtapat ko kay Jake ang lahat. Iyon na siguro ang isa sa pinakamabigat na bahagi sa buhay ko. Ang ipinagtapat ang lahat at humanda sa maaring kahihinatnan ng aking gagawin. Hindi ko mapigilan ang lumuha bago ko sinabi sa kanya na may AIDS ako at hinihintay ko na lamang ang araw na isasauli ko ang hiram kong buhay. Hindi ko inaasahang buong pang- unawa at pagmamahal niya ako niyakap.


Noon ko muling napatunayan na mahal din pala ako ni Jake. Nag- uunahan na bumagtas ang mga luha sa kanyang pisngi. Nagsimulang umindayog ang kanyang balikat. Humahagulgol siya. Humagulgol din ako kahit sabihin mang matagal ko ng tanggap ang kapalaran ko. Ito na siguro ang parusa ng Diyos sa amin. Tama lang naman na parusahan niya lahat ang mga nagkasala at hindi ko siya sinisisi. Ginawa ko ang alam kong makapagsasaya sa akin at hindi ako naging ipokrito sa aking sarili sa buong buhay ko. Handa akong humarap sa kanya at tanungin ang lahat ng mga noon ko pa gustong itanong kung bakit kami ay nabiyayaan ng maling damdamin. Iyon ay kung totoo na may langit, e, paano kung ang lahat pala ay tsismis lamang at walang katotohanan. Iyon lagi ang pinagtatalunan namin ni Jake. Sabi niya pantay ang tingin ng Diyos sa lahat ng kanyang nilikha. Kung ganoon, bakit may mga taong nakakariwasa sa buhay at may halos hindi na kumakain, bakit may mga taong nakakulong ngayon na walang kasalanan at ang mga may kasalanan naman ay nasa labas at nagpapakasasa? Tanggap ko na kailangan kong magdusa sa sakit ko ngayon bilang kabayaran ng mga lahat ng ginawa ko pero bakit may mga bata na katulad kong nagkakasakit ngayon ng AIDS, sila ba ay nagbabayad din ng kasalanan? Sa kaninong kasalanan?


Sa mga huling araw ng buhay ko, nakita ko kung gaano ako kahalaga kay Jake.
Nagsakripisyo siya ng husto para sa ikagagaan ng sakit na siyang nagpapahirap sa akin. Nakaya niyang bumangon para lamang linisin ang dumi ko. Hindi siya nandiring matulog sa tabi ko habang yakap- yakap niya ako. Ang mga iyon ang nagpapadagdag sa akin ng sakit ng loob. Dapat ako ang gumagawa sa kanya ng ganito. Dapat ako ang naninilbi sa kanya ngayon matapos ko siyang iwan noon . Ginusto kong lumayo siya sa akin at hindi na niya dapat inaaksaya pa ang panahon niya sa akin subalit matibay siya sa kanyang paninindigan na alagaan ako. Sa hirap ng pag- aalaga sa akin hindi ko siya nakakitaan o nakaringgan ng reklamo. Bukal sa kanyang kalooban na pagsilbihan ako.


Nakahanda na akong mamatay. Tanggap nang buo kong pamilya na ganoon ang sinapit ko. Hinangaan nila si Jake dahil sa mga ginawa niya sa akin. Tuluyang nabura ang pagdadalawang isip nilang ginagamit lang ako. May trabaho na rin si Den pagkatapos niyang magtapos. Kapag sumasahod siya lagi siyang nag- uuwi ng mga prutas para sa akin. Kung wala din siyang ginagawa nagbabasa siya ng mga short stories na ginawa ko noong kabataan ko pa. Natatawa siya kung alam niyang ang ama niya ang pinapatungkulan ko sa ibang mga sinulat ko. Mapalad siya dahil sa panahon niya ay hinahayaang magsama ang parehong kasarian na nagmamahalan. Hindi katulad ng panahon pa namin ng kanyang ama.
Masaya na rin ako kahit naghihirap ang pisikal kong katawan. Natupad ang pangarap kong makasama si Jake hanggang sa aking huling hininga. Nadama ko ang pagmamahal niya kung kailan ay palubog na ang aking araw. At sa huling pagpikit ng aking mata, naroon ang ngiti… pagpapatunay ng pagpapasalamat at ang pagtatagumpay. Sa huling pagpisil ko sa palad ni Jake at ang unti- unting pagkabitaw ko ay hindi nagbabadya na sumuko na ako, iyon ay nagsasabing ang lahat ay may hangganan ngunit sa bawat hangganan ay may bagong simula. Ang simulang iyon ang tutuklasin ko ngayon. Dinig na dinig ko pa ang kanilang mga panangis sa aking pagpanaw. Isinisigaw ang pangalan ko… “VINCE!!! VINCE!!! VINCE!!!”, hanggang binalot na nga ako ng kawalan.


ITUTULOY...


Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: ANG PAGMAMAHAL NI ADONIS KAY ADAN PART 1
ANG PAGMAMAHAL NI ADONIS KAY ADAN PART 1
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgkXNBrbWjynkLwxcbnJWD1Q9_8Yj0ixQRTp_iZEaX0ChV09H92kIElSyojGmYwxFdQXAq-Y1tYasAcvMbpp1UbH38jJqmHfkDgd_X2nkq3Wi7DhHI2onfzRbPSsvoh8Xg0Chqy0XAXKuQ/s400/486207_361076093965646_859573659_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgkXNBrbWjynkLwxcbnJWD1Q9_8Yj0ixQRTp_iZEaX0ChV09H92kIElSyojGmYwxFdQXAq-Y1tYasAcvMbpp1UbH38jJqmHfkDgd_X2nkq3Wi7DhHI2onfzRbPSsvoh8Xg0Chqy0XAXKuQ/s72-c/486207_361076093965646_859573659_n.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/ang-pagmamahal-ni-adonis-kay-adan-part-1.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/ang-pagmamahal-ni-adonis-kay-adan-part-1.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content