Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

Nang lumuhod si Father (Chapter 15)

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


Nadinig ko ang kaniyang mahinang paghilik. Pinagmasdan ko ang payapa niyang mukha. Narito ang isang taong handang talikuran ang lahat. Pinipili niyang mahalin ako sa pangarap ng pamilya niya at mga taong umaasa sa kaniya. Hinalikan ko siya sa kaniyang labi kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Dumilat siya. Ngumiti sa akin.
                “Nakatulog pala ako. Pasensiya ka na ha?” uminat siya.
                “Oo nga eh. Sarap nga ng tulog mo.” Hinaplos ko ang makinis niyang mukha at muli kong hinalikan ang kaniyang labi.
                “Bakit ka umiiyak? Nakapagdesisyon ka na ba?”
               Nag-unan ako sa maumbok niyang dibdib, noon ay nakapagdesisyon na din ako. Ngunit hindi ko kayang sabihin ang pinag-isipan kong desisyon.

                “Den, alam mong mahal na mahal kita. Pero sana maintindihan mong…”pagsisimula ko.
                “Hindi mo kailangang magpaliwanag. Alam kong hindi sapat ang tulad ko para talikuran mo ang pagpapari. Siguro nga, hindi ganoon katindi ang pagmamahal mo sa akin ngunit alam kong kapakanan ng lahat ang iniisip mo. Doon ako bilib sa iyo, kahit sa mga discussions natin, laging lumalabas ang pag-iintindi mo sa ibang tao kaysa sa sarili mo. Iyong kung ano ang nakakabuti sa iba at hindi yung sarili mong kapakanan. Sana darating din yung araw na maisip mong ipaglaban hindi dahil sinabi ito ng iba kundi iyon ang gusto mo at binubulong ng puso mo. Doon ka lang magiging tunay na maligaya. Bago pa kita tinanong, alam ko na ang sagot mo. Hindi ka papayag na lumabas kasama ako, di ba?”
                Umiyak ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap din niya ako. Sobrang sakit ng loob kong hindi ko siya masamahang lumabas. Iyong nilalabanan mo ang talagang gusto ng puso mo. Yun bang gustong-gusto mo, ang ideyang makasama ang tunay na nakapagpapasaya sa iyo ngunit alam mong hindi tama at dapat dahil madami ang maapektuhan sa gagawin mo? Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baba. Pilit niyang tinataas ang nakatalungko kong mukha.
                “Tumingin ka sa akin. Gusto kong mangako ka.”
                “Anong gusto mong ipangako ko?”
                “Kung sa tingin mo, tama ka sa desisyon mo, gusto kong patunayan mo ito sa sarili mo, sa taong umaasa sa iyo at higit sa lahat, sa Diyos. Minsan sa tulad mo, kailangang isakripisyo ang isang bagay na pinakamahalaga. Kahit sino sa atin dito, iyan ang isa sa mga pinakamatinding kailangang labanan, ang pagtalikod sa laman at kagustuhan ng puso dahil iyang pusong iyan ay iaalay na ng buo sa Diyos at sa lahat ng mga sumasampalataya sa kaniya. Gusto kong ipangako mong huwag ka ng magkakaroon pa ng iba dito. Tama na yung kasalanang ginawa natin. Pinili mo na din lang ang bokasyon na iyan, kaya nararapat lamang na ituon mo ang talino, puso, panahon at dedikasyon sa Kaniya. ”
                “Pangako ko iyan sa iyo.” Humihikbi kong sagot sa kaniya.
                “May hiling din ako… gusto ko kasing abusuhin ka ngayon he he.” mapait ang tawa niya. Halatang pilit niyang pinapasaya ang katahimikan.

                “Hilingin mo na lahat huwag lang ang lumabas ako.” Mapait ding ngiti ang sinagot ko sa kaniya.
                “Ipagdasal mo ang pagtatagumpay ko sa daang gusto kong tahakin. Hiling ko din na sana hindi mo ako makakalimutan. Kung sakaling darating ang panahong magkikita tayo sa labas at ganap ka ng pari, irerespeto ko ang suot mong puti ngunit kung sa kabila ng iyon at hindi ka parin masaya kahit ganap ka ng pari, hindi ka tinatali ng Diyos. Diyos siya kaya nakaya niyang magpapako para sa kasalanan ng lahat ngunit tao ka lang para hanapin mo ang tunay na makapagpapasaya sa iyo ngunit kailangan lamang na wala kang maagrabiyadong ibang tao.” Sinusuklay-suklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang mga palad.
                “Kung sakaling pari na ako at hindi ako masaya, tapos ikaw pa din pala ang hanap ko sa buhay ko, matatanggap mo pa kaya ako?”
                “Burahin mo na sa isip mo ‘yan. Hindi na tamang mangarap ka pa ng ganiyan. Pinili mo ‘yan kaya nararapat na panindigan mo. Kung ‘yan din lang pala ang iniisip mo ay sumama ka na lang sa aking lumabas. Hindi nakakabuti sa’yo na isipin na kung di ka masaya sa bokasyon mo ay babalikan mo ako? Hindi trial and error ang pagpapari, Rhon. Tandaan mo ‘yan. Apat hanggang limang taon pa? Hindi natin hawak ang puwedeng mangyari. Ayaw ko ding mangako. Hindi ako katulad ni Aris. Mangyari ang mangyari. Basta ang importante, tapusin mo ang pinili mo.  Kung sakaling magkita tayo sa labas at mahal mo parin ako o mahal parin kita, alam kong hanggang doon na lamang iyon. Kapag matapos ka sa pagpapari, ibig sabihin no’n ay nagpakasal ka na sa Kaniya kaya isang malaking kasalanan ang aagawin pa kita. Maging tapat ka sana Diyos, huwag mo nang isipin ang bagay na iyan. Tamang gawin mo muna ay ituon ang isip at puso mo sa pagpapari  para mahanap mo ang tunay na kahulugan ng iyong buhay. Kapag nakatapos ka at sa tingin mo ay hindi pala iyon gusto mong mangyari, maiintindihan ka ng Diyos sa kung paano mo siya pagsilbihan at gawin ang sa alam mong ikakukumpleto ng iyong pagkabuhay sa mundo.”
                “Salamat sa pang-unawa.”
                “Huwag mo akong pasalamatan, wala ‘yun. Ako ang dapat magpasalamat sa pagmamahal.”
                Hinalikan niya ako. Humalik din ako sa kaniya. Lahat ay matiyaga kong inipon, ang kilos ng kaniyang labi, ang galaw ng ganiyang dila, ang paghugot at pagbuga niya ng hininga, ang sensasyon, ang kiliti at buong sarap ng kaniyang halik. Nang kumilos ang kaniyang mga kamay para hubarin ang aking damit at boxer short ay nagpaubaya ako. Hinayaan kong gawin niya sa akin ang gusto niyang gawin at alam naman niyang napakatagal ding panahong inasam kong mangyari iyon sa amin. Nang wala na akong kahit anong naiwang saplot sa katawan ay siya naman ang naghubad. Nahiga lang ako at pinagmasdan siya. Tumabi siya sa akin. Hinaplos niya ang hubad kong katawan. Kasunod niyon ang mainit niyang dila mula sa likod ng aking tainga, leeg at dibdib hanggang bumalik iyon pataas sa aking labi. Dama ko ang init ng kaniyang katawang dumampi sa aking katawan. Uminit ng uminit ang aming halikan. Nagkaroon ng kaunting sensasyon ang pagkadikit ng naghuhumindig niyang pagkalalaki sa akin ngunit alam kong iba ang gusto niya. Alam kong may higit pa dun na inaasam niyang makuha. Isang pinagkakait kong maulit na mangyari sa akin. Ngunit sa gabing iyon ay kahit anong hilingin ni Alden ay kusa kong ibibigay. Hinaplos niya ang likod ko. May kung anong nilagay doon at alam kong nilagay din niya sa ari niya. Nakatalikod na ako ngunit humahalik parin siya sa aking labi. Pumikit ako. Alam kong masakit ang gagawin namin ngunit inihanda ko na ang sarili ko. Nandito na ito. Pikit-mata kong gagawin sa kaniya. Dahan-dahan ang pagpasok nun ngunit dama ko parin ang kakaibang sakit. Sakit na hindi ko maipaliwanag ngunit hindi ko siya pinigilan. Idinaan ko na lamang iyon sa paghinga. Ang pagpasok na iyon ay naulit. Dama ko ang pag-iisa ng aming katawan. Parang pinagdugtong ng nakalawit na iyon ang hubad naming katawan at sa paglabas-masok niya sa akin ay nakapagbigay sa akin ng magkahalong sakit at sensasyon. Bumilis ng bumilis. Dumiin ng dumiin ang halik niya sa akin at lumalim ang kaniyang paghinga. Hanggang sa sinabayan ko na lamang siya sa ritmong kaniyang ginawa at alam kong nang nagmura siya ay hindi dahil sa galit siya kundi sa sarap at ligayang hatid ng pinagkaloob ko sa kaniya. Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinaplos niya ang labi ko at dumantay uli ang di nakakasawang halik niya. Ngumiti ako. Ngumiti din siya at kasabay ng halik niya ang katagang…”Salamat. Sobrang mahal na mahal kita!”
                Kinaumagahan ay parang sasabog ang puso kong makita siyang dala-dala na ang maleta niya. Nakaupo siya sa aking kama. Ako naman ay nakatingin sa kisame. Pilit nilalabanan ang pag-agos ng aking luha. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagyuko at pinagmamasdan ang aking mukha. Muli niyang sinusuklay-suklay ang aking buhok. Hinalikan niya ang nook o, ilong, dalawang mata at tumagal sa aking labi. Nagpaubaya ako. Nang iniangat niya ang labi niya sa labi ko ay muli niya akong tinitigan. Hinawakan niya ang aking kamay.
            “Gusto kong tanungin kita sa huling pagkakataon, sasama ka ba sa paglabas ko?”
            Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga. Nakatingin pa din siya sa akin. Naghihintay ng aking sagot. Nasa kaniyang mga mata ang pang-unawa kahit ano pa ang itutugon ko sa kaniya.
            “Sorry…” bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko ay hinalikan na muli niya ako at pumatak sa aking pisngi ang kaniyang pinigilang luha. Alam kong alam na niya ang sasabihin ko at para hindi na siya lalong masaktan ay minabuti niyang huwag na lang marinig na ituloy ko pa ang aking sasabihin.

Isang desisyon ang ginawa kong sobrang tumusok sa damdamin ko ngunit alam ng utak kong tama ang ginagawa ko. Para akong nanghihina sa sakit nang yakapin niya ako at halikan sabay sabing…
                “Paalam. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo ngunit alam kong ang nangyari sa atin dito ay mananatili sa puso’t isip ko. Magiging bahagi iyon ng aking pagkatao. Sana magkikita pa tayo paglabas mo at lagi mong isiping sobrang minahal kita. Mahal na mahal ngunit kailangang gawin ko ito para sa iyo, para sa akin at para kay Jake. Alam kong kapag nandito ako ay hindi tayo matatahimik na tatlo. Kailangan kong hanapin ang sarili ko sa labas. Susundin ko ang gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi ko kayang idepende sa gusto ng iba ang pagpapatakbo sa aking buhay. Alam ko sa paraang gusto ko ay doon ako liligaya at hindi ko din bibiguin ang mga taong umaasa at nagmamahal sa akin. Paalam mahal ko.”
                Hindi ako makapagsalita. Tanging magkahalong luha at ngiti ang naipabaon ko sa kaniyang pag-alis. Nang nakalabas na siya sa kuwarto ay sinundan ko siya at tinatanaw ang malungkot niyang paghakbang. Habang naglalakad siya palayo sa seminaryo ay parang hinihiwa ang pagkatao ko.
Hinabol ko siya. Lumingon siya sa akin.
“Sasama na lang ako sa iyo. Hindi ko kaya.”
“Sigurado ka?” may ngiting sumilay sa kaniyang labi.
“Hindi ko kayang isipin kung anong buhay ko ngayon dito. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka. Paano ko harapin ang araw na ang dating realidad ngayon ay makukulong na lang sa pangarap.”
Umupo siya. Binaba niya ang kaniyang bagahe. Tinignan niya ako.
““Tinatanong kita Rhon kung sigurado ka. Kung nagdadalawang isip ka, kailangan mong mag-stick sa unang desisyon mo. Ayaw kong masisi mo ako kapag lumabas ka at sa huli gusto mo din palang bumalik. You have still enough time to think. Kung gusto mo talagang lumabas, kahit hindi ngayon, kahit bukas, sa makalawa, sa susunod na Linggo, sa susunod na buwan. Basta ayaw kong magdesisyon ka ngayon na nalulungkot ka. Pag-isipan mong mabuti.”
Hindi ako makapagsalita. Parang sasabog ang dibdib ko.
“Tatanungin kita ngayon, nang pumasok ka sa seminaryo, inisip mo bang makakasama mo ako? Inisip mo bang mababago ang buhay mo sa akin?”
“Hindi.”
“Paano mo nakayanan na mabuhay nang mawala si Aris sa iyo? Kung nakaya mo sa kaniya, makakaya mo rin sa akin. Sumama ka sa akin kung iyon ang sinasabi ng utak at puso mo. Kung puso mo lang ang bumubulong niyan at hindi kasama ng utak, may mali diyan. Pag-isipan mo ang lahat kapag kalmado ka na.”
“Ayaw mo bang sumama ako sa iyo?”
“Hindi sa ayaw, gustong gusto ko ngunit hindi ako makasarili. Ayaw kong pagdating ng araw magkakasisihan tayo. Gusto kong sasama ka sa akin ayon sa sarili mong desisyon. Minsan may mga bugso ng damdamin talaga na sa una akala mo iyon ang tama ngunit kapag bumalik ka sa iyong katinuan, doon mo malalamang nagkamali ka pala dahil ang tanging umiral ay bugso ng damdamin at hindi inin-in ng utak.”
“Si Aris, hindi ko naipaglaban, sumuko ako, lumayo…kahit lumaban siya. Ngayon, hahayaan ko na naman bang lumayo ka ng hindi ako lumaban?”
“Huwag kang umiyak. Magpakatatag ka. Nakikita mo sila? Yung mga kasamahan natin dito? “
Tumingin ako sa mga iba pang seminary.
“Naisip mo ba kung ilan kaya sa kanila ang iniwan ang kanilang girlfriends o boyfriends para sa Diyos. Ilan din kaya ang hindi nakaranas magmahal at mahalin nang dahil dito? Ilan kaya sa kanila ang makakakaya pang harapin ang iba pang hamon ng buhay? Sa pagpasok ng bokasyong ito, kasabay niyan ng pagtitiis at pagsasakrispisyo ng ilang kaligayahang hatid ng laman.”
Bubuhatin na sana niya ang bagahe niya nang dumating si Jake.
“Iiwan mo na pala talaga kami.” Malungkot niyang tugon kasabay no’n pagluha ngunit pinunasan niya ng hawak niyang panyo.
“Salamat sa mga alaala dito sa loob, Jake. Humihingi na din ako ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa ko. Malapit ka nang makatapos. Isipin mo na lamang na isa akong tukso na dumating sa buhay mo. Tuksong nakayanan mong mapaglabanan at alam kong mas matatag ka nang labanan ang mga darating pang tukso sa buhay mo. Sana maging mabuti kayong magkaibigan ni Rhon dito sa loob o kung hindi man ay sana mawala ang mga galit o tampuhan ninyo sa isa’t isa. Maraming salamat sa lahat-lahat. Sana mas magiging makabuluhan na ang buhay mo ngayong lalabas na ako at mas maitutuon mo na sa Diyos ang buong panahon mo at pagmamahal. Hanggang sa muling pagkikita kaibigan.”
“Hindi kita makakalimutan, Den. Salamat din at patawarin mo kung higit pa sa isang kaibigan ang pagmamahal na naibigay ko sa’yo. Tanggapin ko ang pagkatalo para sa ikatatahimik nating lahat. Patawarin mo din ako.”
Nagyakapan ang dalawa. Tinapik ni Alden ang likod ni Jake.
“Nawa’y maging mabuti kayong magkaibigan dalawa at isang araw, makita ko kayong nakasuot na ng inyong mga sotana.” Nakangiti niyang sinabi sa amin. Muli niya akong niyakap at pagkatapos ay tinapik niya muli sa balikat si Jake bilang pagpapaalam.  Muli niyang binitbit kaniyang mga dala-dala at hindi na siya lumingon pa. Mabilis ang kaniyang paghakbang. Mabilis ding nag-unahan ang mga luha ko sa pisngi. Mga luha ng sakit sa kaniyang paglisan.
            Masakit ang paglisan ni Alden lalo pa’t nakikita ko ang kaniyang kama ang buong bahagi ng kuwarto na naging piping saksi sa aming mga pinagdaanan. Nag-request ako na magpalipat ng kuwarto dahil hindi na ako nakakatulog sa iniwan niyang alaala sa bawat sulok ng kuwartong iyon. Natapos ang pangalawang taon sa aking bokasyon. Isang araw lang akong nagpahinga at pumunta ako sa bahay nila ngunit hindi ko na siya nadatnan pa doon.
            “Nagulat nga kami sa biglaan niyang desisyon nang umuwi dito at hindi na daw talaga niya kaya. Nang una, hindi ko siya maintindihan at nahihiya ako sa mga taong tumulong sa kaniya sa kaniyang pag-aaral ngunit mahusay niyang ipinaliwanag ang lahat. Naintindihan naman namin ang gusto niyang mangyari. Naghintay muna siya ng ilang buwan dito sa bahay. Nagpahinga. Pero parang araw-araw ay parang may hinihintay siyang bibisita sa kaniya. May nangyari ba sa loob Rhon?” tanong ng nanay niya sa akin.
            “Sarili niya hong desisyon iyon. Matagal na daw kasi niyang pangarap ang mag-inhinyero o kaya maging abogado. Nasaan na ho siya ngayon?” tanong ko. Gusto ko siyang makitang muli at makausap.
            “Pasensiya ka na Rhon pero nang umalis siya dito, hindi na niya sinabi sa akin kung saan siya nakatira. Umuuwi lang dito paminsan-minsan. Basta ang alam ko ay mas nagiging masaya na siya ngayon kumpara noong nasa seminary siya.”
            Sa sinabing iyon ng nanay niya ay alam kong masaya na din siya sa pinili niyang buhay. Ilang saglit pa ay minabuti ko na din magpaalam.
         
                Hindi naging madali ang pagpapari. Ang apat na taong hindi ko kasama at nakita si Alden sa seminary o ang anim na taong walang balita kay Aris ay parang buhay sa isang malayong planeta. Naging tao akong walang emosyon. Tanging mga alaala ang kasama ko sa gabi. Mga nakaraaang iniiyak kung malungkot, nginingiti kung masaya at paglalaro sa alaga ko kung mainit na eksena. Hindi na ako muling nagmahal pa. Hindi ko na binuksan pa ang puso ko sa iba. Nangako ako kay Papa, Tito at kay Alden na magtatapos ako. Kahit gaano kahirap, kahit sobrang lungkot ay naging determinado naman akong tapusin ang lahat.
Naging Diocesan Priest ako. Pagkatapos akong maordain ay nadestino na ako sa isang malayong lugar. Akala ko tuluyan na akong nakalayo sa bangungot ng nakaraan. Akala ko hindi na ako muli pang iiyak sa dagok ng buhay-pag ibig ngunit isang pagkakamali. Para lang isang multo ng nakaraan na pabalik-balik para lalong guluhin ang aking kasalukuyan at kinabukasan. Lalong sumisidhi ang pangungulila ko sa tuwing Linggo at nakikita ko ang dalawang ka-edad kong guwapo na sa unang tingin pa lamang ay may namamagitan sa kanilang mabilis lang na mahalata ng katulad ko. Naroon sila laging nakikinig sa aking pagmimisa kasama ng guwapong edad labin-anim hanggang labinwalo. Nakikita ko sa dalawa ang kakaibang ligaya sa kanilang mukha. May mga sandaling gusto ko silang kausapin at gustong makaibigan ngunit nauunahan ako ng hiya. Pagkatapos ng misa ay mabilis din kasi silang umaalis. Kung ipinaglaban ko ang pagmamahal ko kay Aris o kay Alden, magiging ganoon din kaya ang buhay ko katulad ng dalawang kabaro kong iyon?
            Naging malungkot ang bawat araw sa akin lalo na kung ganoong wala din naman akong service kaya napagdesisyunan kong tanggapin ang inaalok sa akin na magturo ng Theology sa isang private and catholic school. Dahil unang taon ko pa lamang sa pagpapari kaya fresh pa sa utak ko ang lahat ng natutunan ko sa seminary.
Unang araw noon, tahimik naman sila nang pumasok ako pero normal na sa mga estudiyanteng kabataan ang may mga naririnig kang…
“Grabe, guwapo ni sir.”
“Sayang ang guwapo ni father. Pari kasi siya.”
“Nakakakilig ano? Guwapo talaga niya.”
Napapangiti lang ako nang marinig iyon. Pinatayo ko muna sila at ako muna ang nag-lead ng aming prayer. Pagkatapos ay pinaupo ko sila at ipinakilala ko ang aking sarili. At dahil wala akong kilala sa kanila kaya kinuha ko ang classcards at isa-isa ko silang tinawag para makilala isa-isa ang mga una kong istudiyante.
At nang tinawag ko ang pangalang “Orlando Benitez Jr.” ay tumayo ang isang guwapong kabataan. Napaisip ako. Familiar ang guwapong batang ito? Nakikita ko na siya di ko lang agad matandaan kung saan at kailan. Nang matapos ang aming klase ay dumaan siya sa akin habang inaayos ko ang aking dalang bible at libro.
“Yes? Anything I could help, Mr. Benitez?”
“Wala po Father. Gusto ko lang pong sabihin na lagi po kaming nakikinig sa misa ninyo. Kasama ko ho mga Daddies ko.”
“Daddies?” gusto kong lang linawin kung tama ba ang narinig ko.
“Opo. Dalawa po kasi ang daddy ko.” Mahina ang pagakasabi no’n na ginamit pa niya ang isa niyang palad para itago ang pagbuka ng kaniyang bibig na parang natatakot may makarinig na iba.
“Ahh, ok.” napapangiti kong tugon. “Orlando, right? Kung di ako nagkakamali, Lanz o Lando ang palayaw mo.” biro ko.
“Hindi ho, Lando ang palayaw ng daddy ko ho. Jay-ar naman po palayaw sa akin.”
At doon nagsimulang unti-unti akong namulat sa mga katotohanang sa buhay na pilit kong tinakasan. May mga dumating na bagong kaibigan na tuluyang nagpagising sa aking maling desisyon sa buhay na naging dahilan ng tuluy-tuloy kong pagbulusok sa kasalanan.

ENJOY AND PLEASE LEAVE YOUR COMMENTS
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: Nang lumuhod si Father (Chapter 15)
Nang lumuhod si Father (Chapter 15)
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBJnNM0_UDFi2COmMTJFchs6hgguTr7_J2gQSSPvKoc5jzVeEH6v0i0POWflikhD4C2uPXoOp75OV64Y4G60TpTKyRxvfSQfzWrQRI05KpGwA_kDII8Zx-JsO1czaHsJtCZ0RIsqSLWUY/s400/Nico+Cordova+of+Masculados+Dos_thumb%255B1%255D.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBJnNM0_UDFi2COmMTJFchs6hgguTr7_J2gQSSPvKoc5jzVeEH6v0i0POWflikhD4C2uPXoOp75OV64Y4G60TpTKyRxvfSQfzWrQRI05KpGwA_kDII8Zx-JsO1czaHsJtCZ0RIsqSLWUY/s72-c/Nico+Cordova+of+Masculados+Dos_thumb%255B1%255D.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/nang-lumuhod-si-father-chapter-15.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/nang-lumuhod-si-father-chapter-15.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content