kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by Noypi Boyz
“Mac anak, sa sususnod na buwan pwede na lumipat sa bahay ni kuya mo,” si nanay
“Ganun po ba” maikli kong sagot.
“Samahan mo ako bukas at tayo’y mamimili ng kama, sofa, at dining table, sinabi kasi yan ng kuya mo, inutos niya na isama daw kita”
“Opo nay” wala pong problema, next week pa naman ang pasukan.
Kinabukasan, bahagya kaming natagalan ni Nanay sa pagpili ng upuan at kama, isang queen size bed lang muna ang binili at ilalagay sa master’s bed room., dining set at mga gamit sa kusina, iyon kasi ang bilin ni kuya, para pag-uwi niya ay wala ng iisipin pa, at surprise narin kay ate Myra.
Medyo sumama ang pakiramdam ko dahil, sa nabasa ako ng ulan kanina habang pauwi kami ni nanay., kaya maaga akong nkatulog, madaling araw nagising ako na nanginginig ang buo kong katawan, pero mainit ang noo ko,pilit kong inabot ang cellphone ko at tinawagan si Nanay dahil hindi ko talaga kayang tumayo para puntahan sila, nataranta naman ang dalawand matanda at nag-uunahan sa pag-akyat,
Tinatawagan ni Tatay si kuya Jun para hiramin ang sasakyan at dadalhin daw ako sa Hospital, pero di ito sumasagot marahil ay pagod din ito at nasa kasarapan ng tulog.
“Hwag nalang po muna ‘Tay, trangkaso lang naman ito, pag di humupa saka nalang po ninyo ako dalhin,” pagkukumbinsi ko sa kanila
Bumaba si nanay at pag-akyat ay may dala na itong bimpo at plangganita na may malamig na tubig, nilagay ang thermometer sa bibig ko, umabot ng 39 degreees ang init ng katawan ko,pero medyo humupa namna ito matapos punasan ni nanay ang aking buong katawan, pinainom ng gamot, at nawala narin ang pag chill ng katawan ko.
Pagising ko kinaumagahan, naroon si nanay sa gilid ng kama, binabantayan pala ako, baka daw kasi tumaas pa ang lagnat ko. Nagpasalamat naman ako sa pag-aalaga nila sa akin..
Nanay: kmusta na pakiramdam mo anak?
Mac: mabuti na po nay, kaso medyo nahihilo pa ako na kaunti. Pahayag ko.
Nanay: oh siya sige hwag ka munang bumangon at kukuha lang ako ng sopas, siya nga pala anak kagabi, habang natutulog ka, nagsasalita ka at binabanggit mo ang pangalan ni Arvin.”
Mac: po? Wa-wala po akong maalala nay, medyo nagulat kong reaction.
Nanay: uo nga, madami ka pa mga sinasabi ang kaso hindi namin maintindihan ng tatay mo, yung iba English pa nga kaya di namin maintindihan. (Pabiro ni nanay)
Mac: nay makikisuyo naman po ako, kayo na po magsabi kay Arvin at Jenny na may lagnat kao kaya di ako nakaka reply sa text message nila. (Pag-iiba ko sa uspan).
Tumawag kaagad si Arvin sa landline noong malaman na may lagnat ako, nagpupumilit na pupunta daw, ngunit sinabihan nalang ni Nanay na wag na dahil medyo magaling na ako, at nakumbinsi naman ni Nanay.
Si Jenny dumalaw sa bahay noong hapon na, dahil nag pa enrol ito noong umaga, Dapat sana ay magkasama kami, kaya si Toby nalang ang isinama nito. Ang daming dalang prutas at may bulaklak pa. isang katerbang vitamins at mga gamot ang dala,
“Ang sweet naman ng asawa ko,”pabiro kong sabi sa kanya. Ngumiti lang ito habang kinukuhaan ako ng blood pressure. Siya ang naging nurse ko, sobrang alaga, at panay ang kwento para hindi ako ma bored.
Tumulong sa pagluluto kay nanay, at sa bahay narin siya naghapunan, tuwang-tuwa naman si nanay dahil na miss nito ang magkaroon ng dalaga sa bahay.
Nais niyang matulog sa bahay magkatabi kami, kaso di ako pumayag baka mahawaan ko siya ng lagnat.
11 PM nag paalam na siyang umuwi dahil nakatulog narin ako epekto pa rin ng gamot, babalik nalang daw siya kinabukasan.
3- araw din akong inlagaan ni Jenny, lalo napalapit ang loob ko sa kanya, sobrang sweet niya sa akin, napaisisp tuloy ako, anu kaya nakita nito sa akin? Kung tutuusin pwede siyang magka boyfriend ng mayaman, gwapo, dahil sa ang ganda niyang babae, matalino,at mayaman. Ganito ba kahiwaga ang pag-ibig? Walang pinipili? Kaya naman naglakas loob akong tanungin siya sa pabiro ko dinaan.
Mac: Hon. Bakit mo nga pala ako nagustuhan? Di nman gawapo, di-mayaman, payatot.
Nabigla siya sa sinabi ko.
Jenny: noon may boyfriend ako mayaman gwapo, minahal ko siya ng tapat, pero iniwan parin ako sa huli, na realize ko, hindi nman yun ang basehan ng pag-mamahal,wala sa itsura,wala sa estado ng buhay, sa pag-ibig lahat ay pantay-pantay.
Natutulala ako sa mga sinabi niya, di ko lubos maiisip na sa kanya nanggaling ang mga salitang iyon.
Araw ng lingo, isang araw bago ang pasukan ay niyaya ko si Jenny na magsimba sa St. Peter Church sa mayc Commonwealth, gustong-gusto ko kasi ang simbahang iyon, sa hapon na kami pumunta, maraming tao ang naroon, nakakuha naman kami ng upaun sa may likurang bahagi, naupo at ilang saglit pa ay nagsimula na ang misa, taim-tim kaming dalawa na nanalangin, humingi ng kapatawaran sa kasalana, at pasasalamat sa biyayang natanggap.
Matapos ang misa, ngunit hindi kaagad kami lumabas, dinukot ko sa bulsa ng pantalon ko ang kwentas na ibibigay ko sa kanya, kahit hindi naman kamahalan ito, tuwang-tuwa naman siya, at pinakita ko na mayroon din akong kapareho noon, at may pendant na Heart na kapag pinagsama mo Mabubuo ang salaitang FOREVER MAC&JEN, naiyak narin siya, dahil first time daw nitong my mag regalo sa kanya. Niyakap ko nalang siya at hinalikan sa labi.
“Jenny, alam mo ba gusto ko dito natin gaganapin ang ating church wedding kapag may sapat na akong ipon” sabay yakap sa kanya.
Isang mahigpit na yakap naman ang ginanti niya, habang nagpupunas ng mga luha.
Hindi ko pinagamit sa kanya ang kotse kasi gusto ko maranasan niyang mag commute, kung paano maghintay ng sasakayan. Paano mausukan ng tambutso ng maitim na usok ng sasakyan.
Pag-uwi namin, dapat bus na aircon ang sasakyan namin, pero gusto ko maranasan niya ang sumakay sa jeep, akala ko maggalit sa akin, ngunit kabaliktaran naman, dahil giliw na giliw siyang mag-aabot ng bayad at mga sukli ng pasahero,walang kaartihan sa katawan, walang halong pagkukunwari. Dahil nababakas sa kanyang mga mata.
Pag dating sa SM Fairview niyaya ko siyang kumain muna,pumayag naman, nahihiya nga ako kasi sa isang TOKYO-TOKYO ko lang dinala, favorite din pala niya Japanese foods. Treat ko sa aking nurse na nag-alaga sa akin ng 3-araw. Kinurot naman ako sa tagiliran habang naglalkad kami papsok ng mall.
Manonood sana kami ng Movie, pero medyo late na, kaya pumunta nalang kami sa Arcade, naglaro ng shooting, ang galing niya nag shoot, tinituruan daw pala siya ng kanyang kuya maglaro ng basketball noon. Ng mapagod na, bumaba at nag window shopping.
“Hon. Masanay ka na sa window shopping nalang ,dahil pag kasal na tayo yan lang ang mai-offer ko sayo” sabay naman kaming nagtawanan.
Nagpasya narin kaming umuwi na dahil pasukan narin kinabukasan, nag tricycle lang kami, lahat kasi gusto ko iparanas ko kay jenny kung anu ang mundo kong ginagalawan ang simpleng buhay.
Pagdating sa bahay nagmano kami sa dalawang matanda, lumabas ako saglit at hinanda ang motor at ihahatid ko si Jenny sa bahay nila.
Naroon din ang daddy at mommy ni Jenny sa sala noong makarating kami sa kanila, nag mano din kami sa kanila. Matapos ng maikling usapan ay nag-paalam na ako at may pasok pa kinabukasan.. isang halik sa labi ang palaam naming ni Jenny sa isat-isa.
Ng nasa kwarto na ako, may text pala si mokong Arvin, kaya tinawagan ko nalng para kumustahin. Na miss ko rin ang boses ni mokong.
Arvin: Hello Mac.
Mac: Oy, tol sorry, tulog kana pala.
Arvin: uo natulog nalang ako kasi, yung iba dyan kahit isang text wala man lang maghapon.(may tampo ang boses nito)
Mac: Asus! Ang drama talaga ng bestfriend ko, eh bukas naman magkikita na ulit tayo.
Arvin: ah, basta tampo parin ako, kinkalimutan mo na ako eh.
Mac: sige anu bang gusto mo kiss? Hehehe pabiro kong sabi
Arvin: yan ang hinihintay ko. hehehe
Mac: kiss mo yang mukha mo!, joke lang, ito na nga o kiss mo. Sabay halik ko sa celfone at tuwang tuwan naman si mokong.
Arvin: sarap naman noon isa pa nga. Hirit nito.
Mac: aba, namihasa, may tampo pa ba ang bestfriend ko?
Arvin: syempre wala na, pasalamat ka mahal na mahal kita.
Mac: uo na alam ko na yan, pagsususngit ko kunwari.
Arvin; I love you Mac,
Mac: hmmp sige na I love you too din, para matpos na sabay tawa kaming dalawa.
Arvin: ok see you tom. Goodnight.
Mac: good night!
June 8 Monday, unang araw ng pasukan maaga akong nagising dahil sigurado akong trapik sa daan.
8:50 nasa loob na ako ng School. Si MJ ang una kong nakita sa may study area, nilapitan ko kaagad ito at nagkamustahan. After 5 minutes, dumating narin sila Morris at Rey, huling dumating si mokong pero nakasimangot dahil hindi ko daw siya na text, nakalimutan ko kasi, paliwanag ko, pero bigla naman nawala un noong magkamustahan ulit kaming magkakaibigan, mga ginawa noong summer. This school year ay magkakalse na talaga kaming 5.
Hindi na kami nanibago sa aming mga Professor dahil kilala na naming itong lahat, This School year is very though talaga dahil sa may O.J.T na kami. Kailangan naming maka buo ng 300 hours, ang kagandahan lang ay malaya kaming mamili ng Company na pag O- OJT- han. Kaya naman bago kami mag-uwian ng araw na iyon ay nag-usap muna kaming magkakaibigan kung saan kami mag OJT, maraming options at magagandang Companies na pag OJT han subalit kailangan din naming i-consider ang layo ng byahe, at isa pa bawal kaming tumanggap ng allowance from the company, yan kasi ang policy ng School namin.
Mabuti nalang at may Tiyuhin si Morris sa GMA 7 nag wo-work kaya yun ang napag pasyahan namin na doon nalang mag OJT bukod sa malapit lang sa School ay magandang opportunity narin sa amin ang makapag OJT sa isa sa pinakamalaking TV network sa bansa. Kaya naman noong sumunod na linggo ay kumuha na kami ng endorsement form para sa OJT at ma submit na ng Tito ni Morris. Next month na kasi ang start ng OJT namin, mas maigi na maaga kaysa magkukumahog sa bandang huli.
Naisip ko na maging pabor sa akin ang pagtira sa bahay ni kuya Mike dahil sa OJT ko, hindi na ako ba-byahe ng sobrang layo. Naging maayos ang unang linggo ng pasukan, talagang kailangan ng magseryoso sa pag-aaral ang lahat dahil ito na ang final stage bilang isang mag-aaral. Parang nadag-dagan pa ang pasanin naming noong i- announce na magkakaroon ng in-house review sa lahat ng engineering courses, iyon ay gaganapin tuwing araw ng sabado, at whole day din ito, sa makatuwid ay linggo lang talaga ang pahinga namin. At next month narin ito magsisimula.
I T U T U L O Y...