kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by Noypi Boyz
Unang gabi ng lamay ni Jenny, marami ang dumating mga ka klase niya, kamag-anakan nila ay halos naroon din, dumating din naman ang mga kaibigan ko na sila MJ,MORRIS at REY kasama ng iba naming ka klase, nagulat pa nga sila noong malaman na buntis pala iyon at malapit narin ang kasal namin, pero hinding-hindi na mangyayari yun dahil wala na siya. Isang linggo lang ang burol sa mga labi ni Jenny , sumapit ang huling gabi ng burol halos mapuno ang chapel sa dami ng dumating, na bisita, natuwa naman kahit papaano ang mga magulang Ni Jenny sapagkat nakita nila ang suporta ng kanilang kabigan at kamag-anak. Dumating din sa huling gabi ang panaganay na kuya ni Jen, labis sa mukha nito ang kalungkutan, nag-usap kami at pinayuhan niy ako na magpakatatag sa kabila ng masamang nangyari, kahit masakit pero kailangan nating tanggapin na wala na siya.
Kinaumagahan ay araw ng libing, sa simbahan ay mga kamag-anakna niya at kaibigan kapatid ang nag bigay ng eulogy sa kanya, hindi na natapos magsalita ang mommy niya dahil sa nahimatay na ito.
Ayoko na sanang mag bigay ng eulogy pero pinilit parin ako ni Nanay.
“I still recall when I first met Jenny in the village, when my family moved in to our new home. She was with her friends riding a bicycle, patawid na ako mula sa tindahan noon pauwi sa bahay ng biglang may bumangga sa akin, natapon lahat ng dala ko at nasub-sob ang braso ko sa simento,agad siyang lumapit sa akin at iniaabot ang kamay para tulungan akong makatayo, she’s so pretty, makinis at mamula-mula ang pisngi.
“Bata sorry ha? Hindi ko sinasadya, kasi tumawid ka kasi bigla di ako nakapag preno, may masakit ba sayo?
“Tumango lang ako sabay turo sa braso ko na may gas-gas sanhi ng simento,”
Agad niya akong tinulungan na nmakaupo at hintayin ko daw siya kukuha lang siya ng gamut sa sugat ko, agad naman siyang nakabalik at may dala-dala itong box na puno ng gamot.
Napasinghap ako sa tindi ng hapdi noong ipahid niya ang bulak na may alcohol, bahagya naman akong natawa dahil hinihipan niya ang braso ko kapg dumadapo ang alcohol sa sugat. Hanggang sa nalinis at nilapatan ng betadine.
“Ako nga pala si Jenny”, pakilala niya, “Marky- Ma-Mac nalang”. Ang pautal kong sagot sa kanya.
“Okay Mac, friends tayo ha? Wag kana magalit sa akin ha? Ginamot ko naman sugat mo eh,” at sabay kaming ngatawanan.
Noong nag high School siya ay bihira nalang kaming magkita at hi hello lang ang nagiging usapan.
Uo, simula noong una ko siyang makilala, alam ko gusto ko siya at liligawan ko siya paglaki ko, yan ang tumatak sa isip ko,
At nangyari nga ang pangarap ko na akala ko ay sa panaginip lang matupad, subalit sadyang mapaglaro ang tadhana sa amin, akala ko magiging maayos na ang lahat,. Sa isang aksidente ko siya nakilala, at sa isang aksidente din pala siya babawiin sa akin.
Hindi ko alam kung paano, pa ang mga susunod na araw ko, sana makayanan ko parin na gumising at harapin ang panibagong umaga na wala kana, at tuparin lahat ng pangarap natin na wala kana. Ipinapangako ko na tutuparin ko ang huli mong kahilingan sa akin, sa takdang panahon. Paalam mahal kong Jenny.. paalam.
Di ko mapigilan ang pag tulo ng aking luha habang sinasara ang kabaong niya at isinakay sa sasakyan upang ihatid sa huling hantungan nito.
May napansin akong lalaki sa gawing likuranng bahagi ng Simbahan, hindi ako maaring magkamali, si Arvin yun, gusto ko sanang lapitan at sapakin muli, pero naiisp ko nalang na galangin ang libing ni Jenny.
Muling nahimatay ang mommy ni Jenny noong tinatabunan na ng lupa ang mahal ko, para din akong unti-unting inilibing kasama niya. Pinili kong manatili muna sa puntod ni Jenny at di na sumabay pa sa pag-uwi nila Nanay. Gusto ko pang manatili sa huling sandali.
Dumating ang araw ng graduation, hindi na sana ako dadalo pero pinilit ako ng magulang ni Jenny at sumamma rin sila, gawin ko daw iyon para sa anak nila, kaya wala akong choice, pinilit kong maging masaya kahit saglit lamang pero sa tuwing maalala ko si Jen. Naiiyak parin ako. Its been two weeks nan g nalibing si Jenny, kaya pagkatapos ng graduation ay dinalaw namin siya at inalayan ng panaalanagin. bulaklak at kandila.
“Hon. Eto na graduate na ako, ang daya mo naman, bigla mo akong iniwan, sabay patak ng luha ko.”
Hinaplos naman ako sa likod ng Mommy ni Jen act of comforting,.
Lumipas ang linggo, buwan, at kailangan kong magreview para sa darating na board exam, ipinangako ko rin kasi sa kanya na ipapasa ko ang board exam para sa kanya, hindi naging madali ang ginawa kong pagrereview kasama sila MJ, REY at MORRIS, nabalitaan ko si Arvin ay nag enroll din ng review ngunit sa ibang review center nga lang.
Laking tuwa ko naman ng malaman kong nakapasa kaming magkakaibigan, kasama na si Arvin, masaya din ako para sa kaibigan ko, pero sa tuwing naalala ko si Jenny bumabalik ang galit ko sa kanya.
Lumipat narin ng bahay ang magulang ni Jenny para daw madaling makalimot sa masaklap na pangyayari. Agad naman akong natanggap sa trabaho na aking inaplayan, kaya halos ibinuhos ko ang oras ko doon para lang makalimot. Dumadalaw parin ako sa palagi sa libingan niya tuwing linggo, laking pagtataka ko dahil laging may bulaklak at kandila na nakatirik doon, iniisip ko nalang ay baka ang mga magulang niya na laging dumadalaw.
Isang taon narin ang nakalipas buhat ng mawala si Jenny, wala narin akong balita kay Arvin, si MJ ay nasa Italy narin at sumunod sa Nanay niya. Si Morris at Rey ay may kanya kanya trabaho narin sa field sila na a-assign at pinapadala sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Kaya madalang nalang kung magkamustahan..
Isang umaga habang papasok ako sa trabaho nakatanggap ako ng unexpected call, galing iyon sa agency na in-aplayan ko papaunta sa ibang bansa. Urgent daw ito at isang sikat at malaking TV station sa Middle east, Qatar to be exact, kaya naman instaead na papasok sa trabaho ay diretso na ako sa agency, nagdahilan nalang ako sa aking boss para maka absent.
Pag dating sa agency, napag-alaman ko na withen two weeks lang ay pwede na akong makaalis, walang gastos maliban lang a medical at processing fee, dahil sinagot na ng kumpanya iba pang gastusin, malaki din ang offer nila sa akin kaya naman di na ako nagdalawang isip pa at pumirma ng contract., dahil ready visa na ako kaya madali ang proseso.
Pag-uwi ko ng bahay, agad ko naman ibinalita ito sa dalawang matanda, nagulat sila sapagkat biglaan daw ang desisyon ko, lalo na si nanay na umiiyak sapagkat, noong una ay ayaw niyang pumayag, ngunit noong sinabi ko ang totoong dahilan ko kung bakit nais kung umalis, ay para madaling makalimutan ang mga masakit na mga pangyayari sa akin. Kaya walang din silang magawa kundi ang suportahan ako.
Nag file ako ng immediate resignation sa trabaho, marami ang nagulat pero di ko na sinabi sa kanila ang totong dahilan. Malugod naman itong tinanggap ng management at nagsabi pa ito na pwede akong bumalik sa company anytime..
Dumating na ang araw ng aking pag-alis, kinakabahan din ako sapagkat first time kong pumunta sa ibang bansa, ibang pakikisama, knowing that middle east pa talaga, mahigpit angbatas.si nanay walang patid ang patak ng luha habang nasa labas kami ng Airport, kahit ako ay nakaramdam din ng lungkot pero kailangan ko itong gawin para sa sarili ko at sa pamilya ko narin..si Tatay alam ko gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya lang para maipakita na maging malakas, isang yakap at tapik lang sa balikat ang ibinigay sa akin.”Anak mag-iingat ka doon ha?, tawagan mo agad kami dito pag naroon kana, kung may problema sa trabaho mo sabihin mo ha”"?
“Opo nay,” basta tatawag po ako sayo lagi.
ALL PASSENGERS FLIGHT PR 215 BOUND TO QATAR PLEASE PROCEED TO GATE 5 FOR BOARDING..!!
Matapos ang madramang paalaman, sa wakas ay naroon na ako sa loob ng eroplano, at kasalukuyan ng nasa himpapawid, upang salubungin ang panibagong hamon ng buhay, bagong pag-asa, na walang Coach na laging nakaalalay, ngayon mag-isa kong haharapin kung anu man ang kapalarang naghihintay sa akin. At sana kasabay ng paglipad ng eroplano, ay kasabay ko ring makalimutan ang lahat ng mapapait na pangyayari sa aking buhay…..
alamat po sa mga nag tyagang magbasa… pasinsyhan napo ninyo dahil first time ko pong mag-sulat ng ganitong story
Kasalukuyan ko pa pong ginagawa ang book 2. ( RE-UNION) Hopefully mid of December matapos ko na po. .
WAKAS